in

Green pass, pawawalang-bisa sa mga magpo-positibo sa Covid19

Ang sinumang magpo-positibo sa Covid19 ay pawawalang-bisa ang hawak na Green pass. Bukod dito, ay mapapabilang sa isang database ng mga ‘black listed’ at magreresultang ‘non valido’ sa app VerificaC-19 ang hawak na QR code. 

Sa pagtatapos ng quarantine, ang Green pass ay awtomatikong magiging balido ulit hanggang sa itinakdang expiration nito. 

Ito ay inaasahan sa aaprubahang DPCM sa lalong madaling panahon. 

Ang paglabag sa quarantine ay isang krimen. Tama na pawalang-bisa ang Green pass sa pagiging positibo sa Covid test. Kung hindi ay magpapatuloy ang paglilihim at pagtatago ng mga magiging positibo. Bukod pa sa mga gumagawa ng Covid self-test at hindi na sumasailalim sa tampone molecolare”, ayon sa mga virologist. 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Anu-anong mga digital certificate ang maaaring i-download sa Anagrafe Nazionale online?

Higit sa 20,000 katao, naitalang nag-positibo sa Covid19