in

Limang taong gulang, ang unang batang binakunahan kontra Covid19 sa Italya

Binakunahan kontra Covid19 ang unang bata sa Italya. Isang limang taong gulang, na binakunahan sa Spallanzani hospital sa Roma, ngayong hapon. 

Halos 1,000 mga bata ang binakunahan ngayon araw sa Roma, ang unang araw ng pagbabakuna sa Italya kontra Covid19 sa mga bata, mula edad 5 hanggang 11 anyos”, ayon kay Regional assessor Alesso D’Amato. 

Ang mga operators ay nagbihis clown. Binigyan din ng attestato di coraggio, bracelet bilang tanda ng pagiging bakunado na at isang paper bag na may mga color pencil o krayola ang mga bata. Lahat ng ito upang gawing tila isang okasyon para sa mga bata ang unang araw ng pagbabakuna. 

Matatandaang mayroong halos 250,000 mga bata, may edad 5-11 taong gulang, ang nagkasakit ng Covid19; 1,450 ang na-ospital; 36 ang na- ICU at 10 naman ang naging biktima.    

Sa Italya, tinatayang mayroong 3.6 milyong mga bata, sa pagitan ng 5-11 anyos.

Kaugnay nito, itinaas ni Emergency Commissioner Figliuolo sa kalahating milyon (500,000) ang target sa bilang ng bakuna araw-araw sa bansa. 

Matatandaang sa unang 12 araw ng Disyembre, ang target ay 400,000 kada araw. Ito ay naabot naman ng maraming Rehiyon. Ngunit ngayong nagsimula na rin ang pagbabakuna sa mga bata, mula 5-11 taong gulang, inaasahang maaabot din ang bagong target, para sa isang mas mapayapa at malusog na pagdiriwang ng Pasko. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Covid19 sa Europa

Anu-anong bansa sa Europa ang may mataas na bilang ng kaso ng Omicron variant?

Pinoy, arestado sa Roma dahil sa shabu