in

Decreto Flussi 2021, aabot sa 81,000 ang quota

Sa mga darating na araw ay inaasahang aaprubahan ng gobyerno ang bagong Decreto Flussi 2021, na posibleng magbibigay ng higit sa doble ng quota o bilang ng mga working permit kumpara sa mga nakaraang taon. Kung ito ay magaganap, ito ay magtatala sa kasaysayan ng imigrasyon sa Italya. 

Decreto Flussi, inaasahan ang higit sa dobleng bilang ng mga permesso di soggiorno

Ayon sa ulat ng Il Corriere della Sera, inaasahang aabot sa 81,000 ang ilalaang quota ngayong taon para sa pagpasok at regularization ng mga dayuhan, kumpara sa 31,000 sa nakaraang huling anim na taon. Ang bilang ngayong taon ay batay umano sa pangangailangang inilahad ng mga businessmen na patuloy na umaangal sa kakulangan sa mga skilled workers at man power sa mabibigat na trabaho. “Isang kakulangan na nagiging sanhi ng mabagal na pag-usad ng ekonomiya”, anila. Gayunpaman, ang bilang ay marahil hindi pa pinal at posibleng magkaroon pa ng mga pagbabago dahil sa politika: hindi lamang dahil sa majority kundi pati sa Lega. 

Kaugnay nito, ayon sa WeBuild, ang nangungunang construction company sa bansa, hindi bababa sa 100,000 mangggagawa ang kulang para maisakatuparan ang mga plano ng PNRR. Dahil dito ay inaasahang aabot sa 81,000 ang ilalaang quota. 

Ayon sa nasasaad sa umiikot na drfat, 36,000 ang entries para sa lavoro subordinato. Ang mga sektor na nagpahayag ng pangangailangan sa malaking bilang ng mga manggagawa ay ang autotrasporto, konstruksiyon at turismo. Bukod pa sa 45,000 para sa seasonal job. Tila aabot sa tig 70,000 hanggang 80,000 ang mag entries – ang una ay para sa taong 2021 at ang ikalawa naman ay para sa 2022. Sa ganitong paraan, maaaring matugunan ang mga nabanggit na pangangailangan at kakulangan. (www.stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Decreto Flussi, aaprubahan bago mag-Pasko

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.3]

Pinoy nurse, trending sa Italy sa pagsalba sa buhay ng isang kabataang Italyano

ako-ay-pilipino

Omicron, kinatatakutan. Karagdagang paghihigpit, pinag-aaralan sa Italya.