in

Anu-anong mga rehiyon ng Italya ang nasa yellow zone o zona gialla?

Kasabay ng nalalapit na pagsapit ng Pasko ang mabilis na pagkalat ng Covid19 sa bansa. Dahilan nang patuloy na paglipat sa zona gialla o yellow zone mula sa zona bianca o white zone ng ilang mga Rehiyon. 

Pagkatapos ng Friuli Venezia Giulia, Provincia Autonoma di Bolzano at Calabria, ay nadagdagan simula kahapon, December 20, 2021 ang mga rehiyon na nasa yellow zone o zona gialla. Ito ay ang mga rehiyon ng Liguria, Marche, Veneto at Provincia autonoma di Trento

Mula zona bianca sa zona gialla 

Ang pangunahing dahilan sa paglipat ng isang rehiyon mula sa zona bianca sa zona gialla ay ang dami ng bilang ng kaso ng Covid19: kung ang bilang ng mga infected ay mas mataas sa 50 cases bawat 100,000 residente. At kung ang bed occupancy sa ICU ay 10% at sa medical area ay 15%.

Mula zona gialla sa zona arancione

Kung ang bilang ng mga infected ay mula 100 cases bawat 100,000 residente. At kung ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa 20% at sa medical area ay mas mataas sa 30%. 

Mula zona arancione sa zona rossa

Kung ang bilang ng mga infected ay mula 150 cases bawat 100,000 residente. At ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa 30% at mas mataas ng 40% sa medical area

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lazio, mandatory ulit ang pagsusuot ng mask sa outdoor

Highway Code, ang mga pagbabago. Narito ang Gabay mula sa Eksperto