Sa Batas Novembre 9, 2021 n. 156 na may bisa simula noong November 10, 2021, ay may mga mahalagang pagbabago, bukod pa sa extension ng validity ng foglio rossa at karagdagang pagkakataon para sa practical exam sa pagkakaroon ng driver’s license, sa pamamagitan ng susog sa 40 artikulo ng Highway Code. Narito ang maikling gabay mula sa eksperto.
Bonus patente
Ito ay isang insentibo, sa anyo ng reimbursement ng mga gastos, para sa mga naglalayong makakuha ng driver’s license para magtrabaho sa sektor ng transportasyon o trasporto merci. Ito ay tumutukoy sa 50% reimbursement ng kabuuang halaga ng ginastos. Ito ay para sa mga under 35 at sa mga tumatanggap ng reddito di cittadinanza at iba pang tulong. Ang deadline para sa pagbibigay ng bonus ay hanggang June 30, 2022.
Motorsiklo: Pagsusuot ng helmet pati sa wastong gulang na pasahero
Hanggang November 9, 2021 ang obligadong magsuot lamang ng helmet ay ang mga menor de edad na pasahero. Ngayon ang driver ang mananagot kung ang pasahero na walang helmet ay nasa hustong gulang. At mumultahan mula € 83,00 hanggang € 333,00, bilang karagdagan sa sequester sa motor pati ang kabawasang 5 puntos sa driver’s license.
Pagbabawal sa paggamit ng tablet habang nagmamaneho
Ang pagbabawal, na ngayon ay para lamang sa mga mobile phone, ay para na rin sa lahat ng mga device tulad ng laptap, notebook, tablet. Ang multa ay hindi nagbabago: mula sa minimum na €165,00 hanggang sa maximum na €660,00 bilang karagdagan sa sospensyon ng driver’s license mula 1 hanggang 3 buwan kung ang violator ay lumabag ng karagdagang violation sa magkasunod na dalawang taon;
Person with disabilities
Doble ang multa para sa mga nagpa-park sa reserved parking area ng mga person with disabilities, kahit hindi pa ipakita ang angkop na authorization. Tumaas ang multa mula sa minimum na € 168,00 hanggang sa pinakamataas na € 672,00.
Bilang karagdagan simula Jan 1, 2022, ang mga sasakyan para sa transportasyon ng mga person with disabilities ay maaaring iparada nang libre kahit na sa mga may bayad na parking, kung ang reserved parking ay okupado na.
Pedestrian lane
Ngayon ang mga driver ay obligadong magbigay daan, bumagal o huminto, hindi lamang sa mga nagsimula ng tumawid, kundi pati na rin sa mga nais gawin pa lamang ito, samakatwid sa mga nais pa lang tumawid o tatawdi pa lamang. (Atty. Federica Merlo)