in

FFP2 protective mask, saang lugar at hanggang kailan obligadong gamitin?

Nasasaad sa bagong dekreto na inaprubahan noong nakaraang December 23, 2021 ang obligadong pagsusuot ng FFP2 protective mask sa ilang lugar kung saan higit na kailangan ng proteksyon dahil sa mas maraming presensya ng mga tao. 

Ang decreto Festività na inaprubahan noong December 23, 2021 upang pigilan ang pagdami ng mga nahahawahan ng Covid19, ay naglalaman ng mga bagong paghihigpit at restriksyon. Kabilang na dito ang obligadong pagsusuot ng FFP2 protective mask para sa lahat – kasama ang mga bakunado – sa mga lugar na matao at mataas ang panganib ng ‘assembramento’. 

Sa ilang lugar ay mandatory ang pagsusuot ng FFP2 mask mula sa araw ng pagpapatupad ng dekreto hanggang sa petsang itinalaga ng batas na pagtatapos ng State of Emergency ng bansa.

  • Cinema,
  • Theaters,
  • Museum at ibang lugar ng kultura,
  • Stadiums,
  • Sports event,
  • Long-distance transportation,
  • Local public transportation (metro, bus, tram)

Surgical masks

Ang surgical masks ay nananatili pa ring obligadong gamitin sa lahat ng saradong lugar kung saan hindi mandatory ang paggamit ng FFP2. Samakatwid, sa mga work place, restaurants, bar, shops, supermarket, simbahan at iba pa. 

FFP2 masks 

Ang FFP2 mask ay bahagi ng mga FFP masks o Filtering Face Piece Particles, na nagbibigay proteksyon sa nagsusuot nito at sa ibang tao. Ang numero nito ay nagpapahiwatig ng klase ng proteksyon (Ffp) 2 at (Ffp) 3, batay sa husay ng filter nito. 

Tulad ng ipinaliwanag ng ISS, ang FFP2 mask ay may mataas na kakayahan sa pag-filter. Hindi nito pinahihintulutan ang transmisyon ng mga mikroorganismo (virus at bakterya) sa mga taong malapit sa nagsusuot nito at pinoprotektahan din ang nagsusuot nito mula sa panganib na mahawa. Ito ay ginagamit ang mga doktor at mga health workers na direktang nag-aasiste sa mga pasyente ng Covid. Ito ay inirerekomenda sa mga nasa mapanganib na lugar at sitwasyon (indoors at social gathering). 

Samantala ang FFP3 ay may pinakamataas na proteksyon sa pag-filter. 

Wastong paggamit ng protective mask

Kailangang sundin ang ilang hakbang sa wastong paggamit ng protective mask:

  1. Maghugas ng kamay bago ilabas ang mask mula sa balot nito;
  2. Isuot ito sa pamamagitan ng paghawak lamang sa goma nito nang hindi hahawakan ang labas na bahagi ng mask; 
  3. Ilapat ang matigas na bahagi ntio sa ilong at takpan ng mabuti ang ilong at bibig. 
  4. Habang suot ito, dapat na hugasan at i-sanitize ang mga kamay sa tuwing hahawakan ang mask. 
  5. Sa pagtatanggal nito, muli ay kailangang hawakan lamang ang garter nito sa bahagi ng tainga 
  6. Itapon ito kaagad (dapat itong isama sa mga unsorted waste o rifuiti indifferenziati); 
  7. Pagkatapos ay hugasan muli ang mga kamay. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4.5]

78,313 naitalang bagong kaso ng Covid19

Pinoy, nahuli sa iligal na pagbebenta ng FFP2 protective masks