in

Ang pagsalubong sa Bagong Taon ayon sa bagong dekreto

mask family gatherings Ako Ay Pilipino

Sa nalalapit na pagtatapos ng taong 2021, ang buong mundo ay naghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon sa kabila ng patuloy na banta ng pandemya. 

Sa Italya ay mabilis ang pagdami ng mga bagong kaso at pagkalat ng Omicron variant na nagtulak sa gobyerno na magpatupad ng mga karagdagang restriksyon sa pamamagitan ng decreto festività, bagaman hindi katulad ng mga restriksyon noong nakaraang taon. 

Ang pagsalubong sa Bagong Taon ayon sa decreto festività

Curfew

Una sa lahat, walang curfew sa pagsalubong sa Bagong Taon ngayong taon. Samakatwid, maaaring makauwi sa sariling bahay anumang oras sa bisperas ng Bagong Taon.

May pahintulot ba ang mag-party o festa sa sariling tahanan? 

Walang ipinagbabawal na pagdiriwang ng Bagong Taon sa sariling bahay kasama ang mga kaibigan at kamag-anak. Wala ring limitasyon sa bilang ng mga bisita ngayong taon. Kung noong nakaraang taon ay itinalaga ng gobyerno ni Conte na dalawang tao lamang ang maaaring imbitahan sa bahay, sa taong ito ay hindi kailangang mag-alala kung gaano karaming mga bisita ang iimbitahan.

Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mapanganib ang pag-iimbita ng maraming tao sa loob ng bahay, tulad ng sinabi ni Health Minister Roberto Speranza.

Itinaas ng gobyerno ang antas ng pag-iingat. Sa pagsapit ng mga Piyesta Opisyal, mahalagang tama ang pag-uugali ng bawat isa: matinding pag-iingat, paggamit ng mask, physical distancing at kalinisan”.

May pahintulot ba ang mag-dinner sa mga restaurants? 

Hindi kailangang kanselahin ang reservation ng ‘cenone’ sa mga restaurants para sa Bagong Taon. Gayunpaman, ipinapaalala na maaaring magdine-in lamang ang mayroong Super Green pass. 

Disco 

Mula December 30 hanggang January 31 ay muling isasara ang mga disco, dance hall at mga locale kung saan ginaganap ang mga events, concerts at ibang pagdiriwang na mayroong live music na bukas sa publiko. Simula Feb 1 hanggang sa katapusan ng State of Emergency, maaaring pumasok sa mga lugar na nabanggit sa pagkakaroon ng Green pass.

Maaari bang magpunta sa ibang Comune o ibang Rehiyon? 

Walang paghihigpit sa pagpunta sa ibang Comune at ibang Rehiyon. Samakatwid, gamit ang sariling sasakyan ay malayang makakapunta sa ibang lugar sa zona bianca at zona gialla. Ipinapaalala na mandatory ang paggamit ng FFP2 protective mask sa pagsakay sa mga local public transportation tulad ng bus, metro at tram pati sa mga long-distance transportation tulad ng train, high-speed train, airplanes at ships. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pinoy, nahuli sa iligal na pagbebenta ng FFP2 protective masks

ako-ay-pilipino

Quarantine at Isolation, ang bagong regulasyon