in

Super Green Pass, ang bagong regulasyon para sa taong 2022

Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang bagong dekreto kung saan nasasaad ang bagong regulasyon sa quarantine at isolation at ang pagpapalawig sa paggamit ng Super Green pass. Ito ay upang maawat ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant na laganap na sa Italya. 

Super Green pass, narito kung saan mandatory simula 2022

Simula January 10 hanggang March 31, 2022 (o petsa ng pagtatapos ng State of Emergency) ay itinalaga ang pagpapalawig sa gamit ng Super Green pass sa mga hotels, reception ng religious at civil events, festivals and fairs, convention centers, outdoor and indoor restaurants, ski lifts, swimming pools, team sports and wellness centers, museums, cultural and social centers.

Bukod sa mga nabanggit, ang Super Green pass ay mandatory din sa pagsakay sa lahat ng uri ng trasportasyon – eroplano, tren, barko, kasama ang local at regional public transportation tulad ng tram, bus at metro. Samakatwid, ang pagsakay sa mga nabanggit ay para lamang sa mga bakunado at mga gumaling sa sakit na Covid19.

May pagbabago din sa sports. Upang maiwasan ang pagbabalik nang walang audience (tulad sa Germany), mas pinili ang pagkakaroon ng maximum capacity na 50% para sa open space tulad ng stadium at 35% sa mga closed space. Upang makapasok, sa parehong nabanggit ay mandatory ang pagkakaroon ng Super Green pass.  

Sa kasalukuyan, ang tanging lugar kung saan hindi obligadong ipakita ang Green Super Green Pass ay sa trabaho o workplace, maliban sa mga sektor na mandatory ito tulad ng mga health workers. Ninais ng gobyerno na talakayin ito sa pagpasok ng taong 2022. (PGA)

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.3]

ako-ay-pilipino

Quarantine at Isolation, ang bagong regulasyon

Anti-Covid pill ng Merch & Co, available na sa Italya