in

Green Pass sa mga Centri Commerciali, kailan mandatory?

Bahagi ng mga karagdagang anti-Covid19 preventive measures sa Italya ang higit na paghihigpit sa mga no vax o hindi bakunado laban Covid19. Ngunit hanggang kailan maaaring magpunta sa mga malls o centri commerciali nang walang Green pass at kailan ito magiging mandatory? 

Ang gobyerno, sa huling dekreto, ay nagpapatupad ng bagong regulasyon o limitasyon sa mga hindi bakunado simula February 1, 2022. Ang access sa mga shopping centers ay dipende din sa antas ng risk sa Covid19 na kinabibilangan ng rehiyon: kung nasa zona bianca, gialla o arancione.  

Narito kung hanggang kailan maaaring magpunta sa mga centri commerciali nang walang Green pass sa zona bianca at zona gialla

Ayon sa ipinapatupad na patakaran hanggang January 31, 2022, ang green pass ay hindi mandatory sa pagpasok sa mga shopping centers at outlets sa mga rehiyon na nasa zona bianca at gialla. Samakatwid, ang pagpasok sa mga nabanggit ay hindi mangangailangan ng anumang pass. 

Gayunpaman, magkakaroon ng mga pagbabago simula February 1, 2022, petsa kung kailan ayon sa dekreto na inaprubahan noong nakaraang January 5, 2022 – mandatory o obligado ang pagkakaroon ng Basic Green pass sa pagpasok sa mga commercial shops ng hindi basic necessities at samakatwid, pati ang centri commerciali. Exempted o hindi mangangailangan ng anumang pass ang mga shops na nagbebenta ng prime necessities tulad ng supermarkets, groceries, pharmacies. Ang buong listahan ng mga shops ay inaasahang ilalathala sa lalong madaling panahon. 

Centri commerciali sa zona bianca at zona gialla

Hanggang January 31, 2022 – NO pass

Simula February 1, 2022 – mandatory ang pagkakaroon ng Basic Green pass (maliban sa shops ng mga prime necessities) 

Centri commerciali sa zona arancione

Hanggang January 31, 2022  

No pass mula Lunes hanggang Biyernes

Festivi at Prefestivi – Sabado at Linggo – mandatory ang Super Green pass (maliban sa shops ng mga prime necessities) 

Kaugnay nito, ang Basic Green pass ay mandatory sa mga parrucchiere at estetista simula January 20, 2022. Samantala, January 10, 2022 ay nagsimula naman ang pagiging mandatory ng Super Green pass sa mga palestre, wellness centers, public tranportation, hotels, bars at restaurants kahit outdoor.

Ipinapaalala na magkakaroon ng Basic Green pass sa pamamagitan ng Covid19 tests. Balido ng 72 hrs kung molecular test at 48 hrs para sa antigen rapid test. Samantala, magkakaroon naman ng Super Green pass sa pamamagitan ng bakuna kontra Covid19 at kapag gumaling sa Covid19 sa huling 6 na buwan. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang mga Rehiyon ng Italya na nasa zona gialla

Decreto Flussi 2021, ang nilalaman