Sa pamamagitan ng DPCM ng December 21, 2021, na ilalathala sa Official Gazette sa January 17, may bilang na 69,700 mga dayuhan ang pahihintulutang regular na makapasok at makapag-trabaho sa Italya.
Sa nabanggit na bilang, 42,000 ang nakalaan para sa lavoro stagionale at 27,700 para sa lavoro subordinato non stagionale at lavoro autonomo.
Ano ang Decreto Flussi?
Ang Decreto Flussi ay isang probisyon kung saan ang Gobyerno ng Italya ay nagtatalaga ng ‘quota’ o bilang ng mga dayuhang manggagawa na regular na makakapasok sa Italya sa isang taon.
Ang DPCM o Dekreto ng Punong Ministro na naaprubahan noong December 2021 ay ilalathala sa Official Gazette sa January 17, 2022. Samantala, ang Ministry of Labor ay naglathala ng isang pahayag kung saan nasasaad ang bilang at ang proseso sa pag-aaplay ng nulla osta na kinakailangan para sa hiring ng dayuhan.
Tinukoy sa pahayag na 69,700 ang nakalaang bilang para sa trabaho. Isang malaking pagtaas kumpara noong 2020, kung saan mahigit 30,000 lamang ang mga non-EU citizen ang pinayagang makapasok sa bansa.
Decreto Flussi per lavoro stagionale
Ang pinakamalaking bahagi, ang 42,000 entries ay nakalaan sa seasonal job. Sa bilang na ito 14,000 ang nakalaan sa agriculture sector. At kasama ang bansang Pilipinas sa listahan ng mga bansa kung saan magmumula ang mga seasonal workers. Ito ay ang mga bansang:
Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Ethiopia, Gambia, Ghana, Japan, Guatemala (karagdagan ngayong taon), India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Republic of North Macedonia, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.
Ang aplikasyon para sa nulla osta o working permit sa agriculture sector ay isusumite ng mga organization/association of employers na nasasaad sa dekreto. Ayon sa press release ng Ministry, ito umano ay ginagawa “upang maiwasan ang iligal na intermediation“.
Ang mga organization of employers ay ang mga sumusunod:
- Coldiretti;
- Cia;
- Confagricoltura;
- Copagri;
- Alleanza delle cooperative.
Decreto Flussi per lavoro subordinato non stagionale e lavoro autonomo
Ang nalalabing bilang na 27,700 entries ay nakalaan sa lavoro subordinato non stagionale at lavoro autonomo.
Ang quota na nabanggit ay nakalaan para sa hiring ng mga mamamayan ng mga bansang pumirma o pipirma sa kasunduan ng international collaboration on migration sa Italya. Ang mga manggagawang ay magtatrabaho sa mga sektor ng Autotrasporto o Road transport, Edilizia o Construction at Turistico-alberghiero.
Para sa transportasyon, ang aplikasyon ay maaaring isumite ng mga drivers na mayroong international license katumbas ng kategoryang CE na maaaring i-convert sa Italya, batay sa kasunduan ng mga bansa.
Sa bilang na nabanggit, 17,000 ang nakalaan sa mga foreign workers ng mga sumusunod na bansa, kasama ang Pilipinas:
Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Ethiopia, Gambia, Ghana, Japan, Guatemala, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Republic of North Macedonia, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.
Nakalaan din ang bilang na 3,000 entries para sa mga bansa na sa taong 2022 ay magkakaroon ng international collaboration on migration sa Italya.
Bukod dito, ang Executive ay naglaan din ng mababang bilang para sa mga partikular na kategorya. Halimbawa, 100 entries para sa mga dayuhang manggagawa na nakatapos ng formation courses sa kanilang counrty of origin. Karagdagang 100 entries para sa mga workers mula Venezuela na may Italian origin – “kahit sa isa sa mga magulang hanggang third degree”
Nakalaan din ang 500 entries para sa mga entrepreneurs.
At ang nalalabing 7,000 ay nakalaan naman para sa conversion ng iba’t ibang uri ng mga permit to stay.
- 4,400 – Conversion mula permesso di soggiorno per lavoro stagionale sa permesso di soggiorno per lavoro non stagionale;
- 2000– Conversion mula permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
- 370 – Conversion mula permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo;
- 200 – Conversion mula EC long term residence permit na inisyu ng ibang bansa sa Europa sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
- 30 – Conversion mula EC long term residence permit na inisyu ng ibang bansa sa Europa sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo.