in

Bagong regulasyon sa paglalakbay sa Europa, sapat na ang Green pass

Mayroong bagong regulasyon sa paglalakbay sa mga bansa ng European Union matapos imungkahi ng Komisyon na palitan ang paghihigpit – mula sa sitwasyon ng pandemya sa bansang pinagmulan ng manlalakbay sa sitwasyon ng indibidwal at ng sariling proteksyon sa Covid (bakunado o kung gumaling sa Covid). Mga alituntuning nakahanay na sa Komisyon bago pa man ang third at fourth wave sanhi ng Delta at Omicron variants. 

Ngayong araw ay naglabas ng mga bagong rekomendasyon ang EU Council sa paglalakbay. Sapat na ang pagkakaroon ng Green pass at hindi na sasailalim pa sa mga karagdagang restriksyon. Samakatwid, ang restriksyon ay hindi na batay sa sitwasyon ng Covid sa bansang pagmumulan. 

Ang bagong rekomendasyon ay may bisa simula sa susunod buwan, February 1 ,2022. Ang vaccination certificate ay balido sa Europa pagkalipas ng 14 na araw mula sa araw ng bakuna at hindi hihigit sa 270 days o 9 na buwan, mula sa huling dosis ng first cycle na bakunang kinikilala sa Europa o kung ang nabakunahan na ng booster dose o gumaling mula sa Covid o mayroong negative Covid test. Ang Covid test certificate ay balido kung ang molecular o PCR test ay ginawa ng 72 hrs bago ang biyahe at ang antigen o rapid test ay ginawa ng 24 hrs bago nag biyahe. Ang recovery certificate ay balido kung hindi lalampas ng 180 days mula sa paglabas ng positive test. 

Ngayong araw muling kinumpirma ng mga Member States na ang pagkakaroon ng isang balidong EU digital Covid certificate ay dapat na sapat na upang makapaglakbay. Samakatwid, ang European approach sa paglalakbay na batay sa weekly map ng ECDC ay samakatwid mawawala na. 

Gayunpaman, mahalagang mag-follow up ang Member States sa kasunduang ito at ipatupad ang mga napagkasunduang panuntunan, ayon kay European Health Commissioner Stella Kyriakides at European Justice Commissioner Didier Reynders. “Ang Omicron – idinagdag nila – ay kumalat na ngayon sa buong Europa at oras na upang isaalang-alang ang pagtatanggal sa mga karagdagang restriksyon na ipinatutupad ng ilang mga Member State sa mga nakaraang linggo, na ginawang mas mahirap ang paglalakbay sa buong EU”.

Kaugnay nito, ang Italya ay nagpapatupad ng mandatory swab requirement simula noong Disyembre hanggang Enero 31 para sa lahat ng mga papasok sa bansa, kabilang ang mga nabakunahan na.

Inihayag ni Commission vice president Maros Sefcovic na palalawigin ang Green pass hanggang matapos ang buwan ng Hunyo dahil ito ay napatunayang epektibong instrumento na ginagamit ng daan-daang milyong tao at pinagtibay ng higit sa 60 mga bansa. 

Gayunpaman, ang mga Member Sates ay dapat magpatupad ng mga hakbang ukol sa paglalakbay papunta at pabalik mula sa mga red zone countries, kung saan ang virus ay nasa mataas na antas. Partikular, dapat iwasan ang lahat ng mga non-essential travels at hingan ang mga taong darating mula sa mga lugar na ito na walang green pass na dapat sumailalim sa test bago magbiyahe at mag-quarantine sa pagdating. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Abruzzo, Friuli Venezia Giulia, Piemonte at Sicilia, sa zona arancione

Pagtaas sa halaga ng gasolina sa Italya, pinakamataas na naitala mula 2013