Tumaas ng 2.43 cents ang halaga ng gasolina sa Italya (self-service) kumpara noong nakaraang linggo (mula 1.754 sa 1.778). Ito ang pinakamataas na naitala mula September 2013.
Ang diesel ay tumaas ng 2.69 cents (mula 1.620 sa 1.647).
Ang LPG, sa kabilang banda, ay nanatiling stable ang halaga, mula € 0.817 sa € 0.816. Tumaas din ang gasolio da riscaldamento ng 2.92 cents (mula 1.436 sa 1.466). Ito ay ayon sa weekly survey ng Ministry of Ecological Transition.
“Sa loob lamang ng isang linggo, ang pagtaas ng presyo para sa 50 litro ng gasolina ay higit sa 1 euro, 1 euro at 22 cents para sa petrolyo at 1 euro at 35 cents para sa diesel. Sa loob ng halos isang buwan lamang, mula sa simula ng taon , ang isang litro ng gasolina ay tumaas ng halos 6 cents (5.90), katumbas ng 2 euros at 95 cents kada full tank, ang diesel ng higit sa 6 cents (6.18), katumbas ng 3 euros at 9 cents para sa bawat refueling , katumbas naman ng 74 euros sa isang taon”, ayon sa kalkulasyon ni Massimiliano Dona, presidente ng National Consumers Union.