in

Assegno Unico e Universale 2022, ang FAQs mula sa Inps

Narito ang mga Frequently Asked Questions mula sa Inps ukol sa bagong Assegno Unico e Universale 2022.

Sinimulan ang aplikasyon ng Assegno Unico e Universale 2022 noong January 1, 2022.  Matatanggap ang unang assegno unico universale 2022 sa buwan ng Marso at para sa mga buwan ng Enero at Pebrero ay matatanggap ang assegno unico temporaneo. Nananatiling maraming katanungan ukol sa bagong tulong pinansyal at ang mga ito ay isa-isang binigyang tugon ng Inps sa pamamagitan ng FAQs sa website nito. 

Assegno Unico e Universale 2022: Aplikasyon 

Ang aplikasyon para sa Assegno unico 2022 ay maaaring isumite simula noong nakaraang January 1, 2022. 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite ng isa (100%) o ng parehong magulang (50% at 50%) o ng anak mula 18 anyos para sa kanyang sarili. 

Sakaling piliin ng isang magulang ang pag-aaplay ng assegno unico (100%), ang isang magulang (kasal o live in) ay hindi kinakailangang kumpirmahin pa ito. Gayunpaman, ang aplikasyon ay maaaring gawin ng mga magulang nang isang beses lamang sa isang taon at kailangang tukuyin kung para kaninong anak ang aplikasyon. 

Nilinaw ng Inps na ang mga aplikasyon na isusumite hanggang June 30, 2022 ay magbibigay karapatan upang matanggap ang benepisyo mula sa buwan ng Marso

Ipinapaalala din ng INPS na ang aplikasyon ng assegno unico ay dapat ding isumite kahit tumatanggap na ng assegno unico temporaneo. Exempted sa pag-aaplay ang mga tumatanggap ng reddito di cittadinanza dahil ito ay awtomatikong matatanggap sa RdC card. 

ISEE, kailangan sa pagsusumite ng aplikasyon ng assegni unico 2022? 

Nilinaw ng INPS na para matanggap ang assegno unico 2022 ay hindi obligado ang pagkakaroon ng ISEE. Kung ang aplikante, o ang pamilya, ay walang balidong ISEE sa oras ng pagsusumite ng aplikasyon, ang matatanggap na halaga ng benepisyo ay kakalkulahin sa pinakamababang halaga na itinalaga ng batas. 

Gayunpaman, kung magsusumite ng ISEE matapos isumite ang aplikasyon hanggang sa itinalagang deadline na June 30, 2022, “ay kikilalanin pa rin ang halagang hindi natanggap simula sa buwan ng Marso, batay sa halaga ng isinumiteng ISEE”.

Ipinapaalala rin ng Inps na obligadong ipagbigay-alam sa Inps ang anumang pagbabago sa pamilya sa pamamagitan ng proseso ng assegno unico o sa pamamagitan ng ISEE.

Bukod dito, ayon sa FAQ ng Inps ang halaga ng assegno unico 2022 ay hindi taxable.

Maaari bang mag-aplay ng assegno unico ang mga nagdadalang-tao? 

Ang assegno unico 2022 ay magsisimula mula ika-pitong buwan ng pagbubuntis hanggang ika-21 anyos ng anak. Ngunit tandaan na mayroong ilang kundisyon upang ito ay matanggap ng mga under 21. 

Nilinaw ng Inps na ang aplikasyon ay isusumite matapos ipanganak ang bata, dahil ang aplikasyon ay batay sa codice fiscale ng bata. Sa pagtanggap ng unang assegno ay matatanggap din ang mga nagdaang buwan (arretrati) mula sa ika-pitong buwan ng pagbubuntis. 

Ipinaalala na Assegno Unico 2022 ay kapalit ng mga sumusunod na benepisyo: 

  • Bonus mamma domani,
  • Bonus bebè,
  • ANF,
  • Detrazioni figli a carico (hanggang 21 anyos)
  • Bonus tre figli 

Mananatili naman ang Bonus maternità at ang Bonus nido.

(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.7]

Ako Ay Pilipino

Swab requirement, tatanggalin na sa mga magmumula EU

Fil-Italian mula Verona, maglalaro sa Philippine AZKALS