in

EU Green Pass, balido ng 9 na buwan

Magsisimula bukas, February 1, 2022, mayroong bagong validity ang Green Pass para sa pagbibiyahe sa Europa. 

Ayon sa naging kasunduan ng mga Member States noong nakaraang Disyembre, ang EU Green Pass ay balido ng siyam (9) na buwan o 270 days, mula sa petsang makumpleto ang mga dosis. 

Ang mga Member States ay hindi dapat magbigay ng ibang panahon ng validity para sa paglalakbay sa loob ng European Union“, ayon sa Komisyon, at tinutukoy na ang standard period ay 9 na buwan mula sa petsa ng ikalawang dosis, habang hindi pa naitatalaga ang validity ng Green pass matapos ang booster dose. 

Ito ay para lamang sa mga vaccination certificate na ginagamit sa pagbibiyahe sa Europa. Gayunpaman, ang bawat bansa ay maaaring magkaroon ng ibang national rules ngunit hinihikayat ang mga bansa na sumunod sa itinalagang panahon ng validity sa european level”. 

Simula bukas ay ipatutupad din ang bagong booster dose coding system. Ang mga booster ay isusulat bilang 3/3 para sa booster dose matapos ang 2 dosis ng AstraZeneca, Moderna at Pfizer-BioNTech at bilang 2/1 para sa booster dose pagkatapos ng isang solong dosis ng Johnson & Johnson o isang dosis matapos maka-recover mula sa Covid.

Paalala: Ang Super Green Pass sa Italya simula February 1, ay magbabago din ang validity – mula 9 na buwan sa 6 na buwan.  Ibababa ang panahon ng validity ng Super Green Pass sa anim (6) na buwan. Ang sinumang nagpabakuna ng second dose at hindi magpapabakuna ng booster dose nang higit sa anim (6) na buwan, ang hawak na Super Green pass ay awtomatikong mage-expire. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cambio di Residenza, maaari nang gawin online

Usaping e-PaRC, may nakahaing Resolusyon na sa Kongreso