in

Decreto Flussi, narito ang mga hakbang mula aplikasyon ng nulla osta hanggang sa pagpasok sa Italya

Kapag naipadala na ang aplikasyon para sa nulla osta ng Decreto Flussi 2021 (para sa non-seasonal, self-employment at conversion ng mga permesso di soggiorno, ang click day ay simula noong January 27 at para sa seasonal job ang click day ay simula February 1 – parehong hanggang March 17, 2022), ang mga aplikasyon ay magkakaroon ng mga sumusunod na hakbang:

  • ISTRUTTORIA – Pagsusuri ng economic at contractual requirements at ang pagsusuri ng kawalan ng criminal records 

Ang competent Prefecture (batay sa lugar kung saan isinumite ng employer ang aplikasyon) bago mag-isyu ng nulla osta ay humihingi ng opinyon ng Direzione Provinciale del lavoro at ng Questura.

Ang Direzione Provinciale del lavoro ay responsable para sa pag-verify ng pagiging regular ng kontrata at ng employer na nagnanais na kumuha ng foreign worker, at nagbibigay ng negatibo o positibong opinyon.

Ang Questura sa lugar ng trabaho, ay responsable naman sa pag-verify ng “hindi pagiging mapanganib” ng foreign worker.

Tandan na kahit ang employer ay sasailalim din sa mga pagsusuri at kontrol. Hindi lamang ang kanyang financial capacity kundi pati na rin ang kawalan ng anumang hatol sa krimen sa imigrasyon tulad ng iligal na imigrasyon o para sa pagpapa-trabaho ng mga hindi regular na dayuhan.

Matapos ang mga nabanggit na pagsusuri ay maglalabas ng opinyon ang Prefecture.

  • ISSUANCE NG NULLA OSTA AT TRANSMISSION SA ITALIAN EMBASSY

Ang nulla osta o work permit ay iniisyu ng Prefecture. Ito ay direktang ipinapadala sa Italian Embassy at ipinapa-alam din ito  sa employer, na dapat naman magbigay ng komunikasyon sa worker. 

Sa puntong ito, ang employer, o sa pamamagitan ng kanyang ‘delegato’ o authorized person ay sasailalim sa interview ng POLO sa Italya, sa pamamagitan ng Labor Attachè, para sa mga kinakailangang pagsusuri tulad ng employment agreement: kontrata, sahod at iba pa.

Ang worker naman, sa pamamagitan ng mga accredited agency ng POEA sa Pilipinas, ay ihahanda ang mga requirements bago ang deployment. Ang pagkakaroon ng mga accredited agency, ayon sa mga opisyal, ay mahalaga dahil ang mga ito ay nagsisilbing karagdagang proteksyon para sa kapakanan ng mga workers.

Pagkatapos, ay ang issuance ng POEA ng Overseas Employment Certificate, OEC o exit pass sa mga mangagawang sa unang pagkakataon ay lalabas ng bansang Pilipinas. Tandaan na ang prosesong ito ay batay sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang Nulla osta o work permit ay may bisa ng 6 na buwan, kung kailan dapat maibigay sa loob ng panahong nabanggit ang entry visa, papuntang Italya. 

  • ISSUANCE NG ENTRY VISA
  • PAGPASOK SA ITALYA AT PERSONAL APPEARANCE SA LOOB NG 8 ARAW SA PREFECTURE

Ang foreign worker ay dapat magpunta sa Spotello Unico Immigrazione sa loob ng 8 araw mula ng pagpasok sa Italya upang lagdaan ang contratto di soggiorno, kasama ang employer. Ibibigay din ang postal kit para sa aplikasyon ng permesso di soggiorno.

  • PAGDADALA SA KIT POSTALE PARA SA PERMESSO DI SOGGIORNO (Atty. Federica Merlo) 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano ibo-block ang mga unwanted calls sa mobile phone?

Validity ng Green pass, pagtatanggal ng restriksyon at regulasyon sa paaralan – ang nilalaman ng bagong dekreto