in

Protective mask sa outdoor, tatanggalin na

Isang hakbang tungo sa mabagal ngunit makabuluhang pagbabalik sa dating pamumuhay. Simula February 11, 2022, ay ipatutupad ang bahagyang pagtatanggal ng mga paghihigpit o Covid restrictions sa Italya. Tatanggalin na ang mandatory mask sa outdoors at magbubukas na ang mga discos. Ito ang pahayag ukol sa mga susunod na hakbang ng gobyerno. Samantala, nananatiling kumpirmado ang mga color coded zones – zona bianca, gialla, arancione at rossa -kasama ang pagpapatupad sa Green pass, marahil hanggang makalipas ng March 31, 2022 – ang inaasahang petsa ng pagtatapos ng State of Emergency sa Italya. 

February 11, 2022, ang mga pagbabago

Protective mask sa outdoor, tatanggalin na

Ayon sa bagong regulasyon ay inansyo ni Health Undersecretary Andrea Costa ang pagtatanggal sa mandatory mask sa outdoor simula February 11, 2022. Ito ay ipapatupad sa buong bansa, nang walang pagkakaiba-iba sa bawat color zone. Samakatwid, ito ay hindi lamang para sa mga rehiyon sa zona bianca, bagkus ay para din sa mga rehiton sa zona gialla at arancione. 

Matatandaang ang mandatory mask sa outdoor ay ibinalik noong nakaraang Disyembre ng decreto Festività upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 sa panahon ng Kapaskuhan. 

Gayunpaman, kakailanganin pa ring isuot ang protective mask sa mga sumusunod na pagkakataon:

  • pagkakaroon ng ‘assembramento’ sa outdoor;
  • sa pagdalo sa mga sports events sa outdoor tulad ng stadium;
  • nananatiling mandatory sa indoors.

Ang protective mask FFP2 ay obligado pa din sa pagpasok sa cinema, theaters, public transportation at iba pa. 

Disco, bubuksan na

Kaugnay nito, inaasahan din ang muling pagbubukas ng mga disco simula sa nabanggit na petsa, February 11, 2022, (petsa kung kailan mag-e-expire ang extension na ginawa ng gobyerno kasabay ang mandatory mask sa outdoor). Matatandaang ang mga dance hall ay ipinasarang muli noong nakaraang Pasko kasabay nang pagbabawal sa lahat ng uri ng mga event sa outdoor na magiging sanhi ng ‘assembramento’.

Samakatwid, simula February 11, 2022 ang mga disco ay muling magbubukas para sa mga mayroong Super Green Pass, o para sa sinumang mayroong bakuna kontra Covid19 at gumaling sa sakit na Covid19. Ang maximum capacity ay limitado sa 50% lamang sa indoors at 75% naman sa outdoors. Sa loob ng mga discos ay mandatory ang pagsusuot ng protective mask ngunit kailangang hintayin ang paglabas ng dekreto upang malaman kung mandatory ang paggamit ng FFP2 masks sa mga disco.

Green Pass, mananatili pa

Wala namang pagbabago para sa Green pass. Ang Super Green pass ay mananatiling malaki ang bahagi sa araw-araw na social life – mula bars at restaurants hanggang sa museums at simula noong February 1, 2022 ay pinalawig pa kahit sa pagpasok sa mga shops, public offices, posta, mga bangko. 

Samantala, tila handa na rin ang gobyerno ng Italya na hindi na palawigin ang State of Emergency pagkatapos ng March 31, 2022. Ngunit ang Green pass ay mananatili hanggang June 15, 2022, sa pagtatapos ng mandatory Covid19 vaccination para sa mga over 50s. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 3.7]

Tela mo at makina ko, halina at manahi tayo 

Italya nangunguna sa talaan ng mga bagong voters sa darating na May 2022 National Elections