in

Italya nangunguna sa talaan ng mga bagong voters sa darating na May 2022 National Elections

Umpisa na ng campaign period para sa National Elections sa bansang Pilipinas na kung saan ito ay opisyal na nag-umpisa ng February 8, 2022 at ito ay magtatagal hanggang buwan ng April.

Ito ay natunghanyan ng bawat netizens sa social media network at bawat partido ay nagpahayag na ng kani-kanilang mga plataporma.

Sa usapin ng Overseas Absentee Voting o OAV, nabigyan ang mga botante ng isang buwan mula April 10 hanggang May 9, 2022 upang mag cast ng kanilang mga balota. Kaugnay nito, nabatid mula sa bagong talagang PCG Milan Consul Norman Padalhin na siya din ang Special Ballot Reception and Custody Group o SBRCG Chairperson sa Milan kung saan umabot ang 4,400 ang mga bagong aplikante para sa Lombardia.

“….this is the 1st time na nagkaroon tayo ng registration process na ganito yong circumstances, time ng pandemic. We started the registration December 2019 to October 2021. It was almost a 2 year process. It was challenging not only us but for all the Embassies and Consulate. If you look at the numbers 4,400, medyo hindi siya impressive pakinggan but still we are number 1 all over Europe…”

bahagi sa paliwanag ni Consul Padalhin.

Dagdag pa ni Consul Padalhin, ang Italy ang may pinakamaraming bagong aplikante sa buong Europe.

Sa talaan ng COMELEC Certified List of Overseas Voters (CLOV), narito ang bilang ng mga registered voters

Ito ay makikita sa website ng COMELEC o di kaya, maaring magtungo sa kunsulado o Philippine Embassy upang makita ang mga pangalan sa listahan.

Ayon kay Consul Padalhin mayroon na silang print out  ng mga listahan ng mga registered voters, subalit aniya mas makakabuti kung tingnan na lang ang kanilang mga pangalan sa link ng COMELEC, upang masiguro na makaiwas ng kumpulan sa tanggapan ng PCG Milan dahil sa nararansan natin pandemiya, at matatandaan na pansamantalang nagsara ng ilan araw ang tanggapan ng PCGMilan dahil ilan sa mga kawani nito ay nahawaan ng virus.

Sa kasalukuyan ay hindi pa pinal ang magiging proseso sa pag cast ng mga balota para sa mga walk-in voters, bagay na mayroon pa rin postal voting para sa mga ibang rehiyon. 

We have also asked guidance from Manila what to put in our announcement, when we do announce it.” Ani Padalhin, ang mensahe na ipinadala sa Ako ay Pilipino.

Pagdating sa mga poll watchers at observers at kailangan pa rin ng COMELEC accreditation ito ay nakalathala sa COMELEC resolution 10739 at 10740 na naglalayong pahintulutan ang media coverage at mga grupo o indibiduwal na mag obserba ng election process hanggang sa canvassing of votes.

Ang kasabihan na you can lead a horse to water but you cannot force it to drink. Alam mo yong start ng Comelec registration, yong COMELEC booths natin halos langawin, halos kulang na lang mag beg na lang kami sa mga tao na mag-register, and then yung last minute marami na ang pumila to register to vote. Doon sa 4,400, mga 600 nun, noong last 2 week lang. Nung na extend yong voters registration, na capture namin yung 600. Doon lang nagka interest. Alam natin sa consulate hindi tayo nagkukulang when it comes to leading the people to the water, but getting the people to drink it, nasa tao na yun”, wika ng Consul.  

Dagdag pa niya na sa pamamagitan ng mga Filcom leaders at maging ng mga media outfit ay makakatulong sa kanila upang hikayatin ang mga Pinoy hindi lamang sa mga panahon ng eleksiyon kundi sa mga ibang mahalagang anunsyo na nagmumula sa tangapan ng Philippine Consulate General in Milan. (Chet de Castro Valencia

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.5]

Protective mask sa outdoor, tatanggalin na

Super Green Pass, kailan mandatory at hindi sa mga minors?