in

Italya, handang magpadala ng 3,400 sundalo sa Ukraine 

Sinabi ni Draghi sa Kamara at sa Senado ngayong araw na handa ang Italya, kung kinakailangan, na magpadala ng 3,400 sundalo upang ipagtanggol ang Europa mula sa Russia.

Hindi maaaring pabayaan na magkaroon muli ng digmaan sa Europa”. Ito ang binigyang-diin ni Punong Ministro Mario Draghi, sa Kamara at pagkatapos sa Senado. Kinokondena nito ang Russia sa ginawang pagsalakay ng mga militar nito sa Ukraine. 

Bukod dito, ipinaliwabag din ni Draghi na ang European Union at NATO ay kikilos upang itulak ang Russia na itigil ang pag-atake, pati na rin palakasin ang pagbabantay sa mga frontiers ng EU. 

Kasama ang mga Italians, ay magtutulong-tulong ang mga sundalo ng Old Continent. Pangunahing layunin ay positibong lutasin ang itinuturing ni Draghi na pinakamalalang banta sa Europa mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang mga sundalong Italyano na makakasama sa NATO ay ang mga yunit na naka-deploy na sa ilang operasyon: 240 sundalo na kasalukuyang naka-deploy sa Latvia, kasama ang mga puwersa ng hukbong-dagat, at sasakyang panghimpapawid sa Romania; at iba pa na tatawagin ng Allied Command. Ayon pa kay Draghi, handa umano ang Italya na magpadala ng humigit-kumulang 1,400 katao mula sa Army, Navy at Air Force, at karagdagan pang 2,000 mga sundalo.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Draghi ang lahat ng sandatahang lakas ng bansa at ang Ministro ng Depensa na si Lorenzo Guerini, na sinalubong ng masigabong palakpakan. Pinalakpakan din sa Kamara si Italian Ambassador in Ukraine na si Yaroslav Melnyk at si Ukrainian President Volodymyr Zelensky. Ayon kay Draghi, dumalo pa si Zelensky sa special European Council kahapon kung saan ipinaliwanag na ang kanyang buhay at ng kanyang buong pamilya ay nasa panganib. Gayunpaman, ayon umano kay  Zelensky, hindi nito iiwan ang kanyang bansa.

Bago magtapos, muling binanggit ng premier na magiging mabigat ang mga sanctions na ipapataw sa Russia. Ang mga ito ay ikokoordina kasama ng iba pang mga bansa ng European Union, partikular ang France at Germany. Bukod dito, sang-ayon din sa layunin at mga gagawing hakbang ang mga kasapi ng G7.  

Panghuli ay binanggit din ni Draghi ang posibleng paglala pa ng kasaluluyang krisis sa enerhiya. Ipinaliwanag niya na ang gobyerno ay naghahanda upang maiwasan ang karagdagang pagtaas ng presyo ng gas at kuryente. Kabilang dito ang pagpapataas sa domestic production at ang pag-import mula sa United States. Maaaring kailanganin ding muling buksan ang mga coal-fired power plant. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Ukrainian community sa Italya, nagprotesta laban sa Russia

Day 2 ng Russian invasion, Kyiv nasa defensive phase na