in

Super Green Pass, tatanggalin sa outdoors simula April 1

Pinag-aaralan ng gobyerno ng Italya ang maingat at unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon. 

Ayon kay Health Undersecretary Andrea Costa, sa mga susunod na araw ay magtatalaga ng schedule ang gobyerno at magsisimula sa April 1 ang karagdagang pagluluwag at pagtatanggal ng mga Covid restrictions. Sa ilang sitwasyon at lugar ay hindi na umano kakailanganin ang Super Green pass, halimbawa sa mga outdoor places tulad ng bar, restaurant at iba pa. Naniniwala umano siya na mula Abril ay hindi na kakailanganin ang Super Green pass. Dagdag pa niya, umaasa siya na sa June ay magkakaroon na ng scenario na magbibigay-daan sa isang summer na walang restrictions.

Gayunpaman, ang mandatory Covid vaccination para sa mga over 50s ay mananatili hanggang June 15. Aniya pinag-aaralan din ng gobyerno na palitan ng Basic Green pass ang Super Green pass sa workplace ng mga over50s upang makabalik sa trabaho ang maraming manggagawa sa bansa na magpapahintulot sa swab test – rapid o molecular – tuwing ikalawa o ikatlong araw para makapasok sa trabaho. Samakatwid, hangarin ay ang agahan ang pagtatanggal ng mandatory Covid vaccination. 

Samantala, hangarin din umano ng gobyerno na tanggalin ang obligadong pagsusuot ng mask sa indoors bago mag-Pasqua. Ngunit ito ay naka-dipende sa magiging takbo ng pandemya sa mga susunod na linggo. 

Partikular, sa mga nagdaang araw ay muling umakyat sa Rt index sa bansa dahil sa pagdami ng mga positibo sa South Italy, sanhi ng tatlong sub-variants ng Omicron.  Aniya, ang sitwasyon ay under control at ang pagtaas na naitala ay hindi makabuluhan. Sa katunayan, ay patuloy ang pagbaba ng hospitalization rate sa bansa. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 2]

Paglilinaw ukol sa paglabas ng bansa, hiling ng mga colf na aplikante ng huling Regularization

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Multa sa mga over50s na lumabag sa mandatory Covid vaccination, inihahanda na!