Pinalawak ng gobyerno ang mga makakatanggap ng bonus €200,00 ng Decreto Aiuti sa mga hindi kabilang sa unang draft ng probisyon.
Nagkaroon ng mahalagang pagbabago ang Konseho ng mga Ministro sa inaprubahang decreto aiuti noong nakaraang lunes.
Ang 14 bilyong euros na inilalaan sa mga pamilya at mga kumpanyang nakakaramdam ng matinding epekto ng digmaan sa Ukraine ay pinalalawak ang mga makakatanggap. Ito ay matatanggap din ng mga tumatanggap na ng Reddito di Cittadinanza, ang mga seasonal workers at mga colf na hindi kasama sa unang draft.
Bukod dito ay inaprubahan din ang voucher na nagkakahalaga ng €60 para sa public transportation. (PGA)
Basahin din:
- Bagong bonus na € 200,00 – paano mag-aplay at kailan matatanggap?
- Bonus Trasporto ng Decreto Aiuti, para sa mga manggagawa at mag-aaral