Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma at Konsulado sa Milan na pinahintulutan na ng Comelec ang pag-isyu ng bagong balota sa mga rehistradong botante na hindi pa nakakatanggap ng kanilang mailing packet mula sa koreo.
Sa huling dalawang araw ng overseas voting – bukas araw ng Linggo, May 8, 2022 mula 9.00 am hanggang 5:00 pm at sa Lunes, May 9, Lula 9:00 am hanggang 1:00 pm – para makaboto ang mga registered voters na hindi pa nakakatanggap ng kanilang balota ay maaaring:
- Personal na magpunta sa Embahada,
- Dalhin ang balidong pasaporte,
- Mag-request ng bagong balota;
- I- shade ito sa itinalagang lugar sa loob ng Embassy;
- Ihulog ang balota sa drop box.
Gayunpaman, sila ay kailangang gumawa ng Affidavit o sinumpaang salaysay kung saan nasasaad na hindi pa natatanggap ang balota, nangangakong ibabalik ang mailing packets na mga blankong balota kapag natanggap ito at hindi nagtatangkang bumoto ng higit sa isang beses.
Ang paglabag sa huling dalawang nabanggit ay nasasaad sa Section 261 (z) (19) at 261 (z) (2) ng Omnibus Election Code.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Philippine Embassy Rome at social media page ng Embassy, website ng Philippine Consulate General Milan at social media page ng Consulate