Nanguna din sa Italya ang Marcos Duterte tandem sa katatapos na bilangan sa boto sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa Rome Italy.
Sa inilabas na datos ng Embahada ng Pilipinas sa Roma ay umabot sa 16,866 na balota ang natanggap at nabilang. Ito ay 44.53% ng 37,874 rehistradong botante sa hurisdiksyon ng Embahada kabilang ang Roma (South Italy), Milan (North Italy), Malta at Albania.
Batay sa election returns sa dalawampu’t isang presinto, nakuha ni Ferdinand Marcos Jr, ang 11,272 (67.28%) na boto. Habang nakakuha naman ng 4,179 (24.94%) na boto si Leni Robredo. Sina Marcos at Robredo ang dalawang nangunguna sa bilangan sa pagka-pangulo sa Italya.
Samantala, 11,348 (68,31%) naman ang nakuha na boto ni Sara Duterte. Habang 3,268 (19.67%) naman ang nakuha ni Kiko Pangilinan.