in

Pagsusuot ng mask, hindi na mandatory sa pagsakay ng eroplano sa EU mula May 16

Simula May 16, hindi na mandatory ang pagsusuot ng mask sa mga flights sa loob ng European Union. Ito ang nasasaad sa mga bagong alituntunin ukol sa paglalakbay ng ligtas, na ginawa ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDC) at ng European Aviation Safety Agency (AESA). 

Gayunpaman, mahigpit pa ring inirerekomenda ang protective mask para sa mga umuubo o bumabahing at, ayon sa mga alituntunin, “ito ay nananatiling isa sa pinakamahusay na panlaban laban sa paghahatid ng Covid-19“.

Samantala, ayon sa direktor ng ECDC na si Andrea Ammon, bagaman nananatili umanong mapanganib, ang epekto ng bakuna ay nagpapahintulot na mamuhay nang normal. Bagaman hindi na inirerekomenda ang obligadong pagsusuot ng mask ay mahalagang tandaan na kasama ng physical distancing at pagsasanitize ng mga kamay, isa ito sa pinakamahusay na paraan upang mabawasan ang pagkalat ng Covid.

Gayunpaman, ayon sa mga rekomendasyon, ang regulasyon sa pagsusuot ng mask ay posibleng mag-iba-iba batay sa airline company mula sa nabanggit na petsa. Halimbawa, sa mga flight from at to sa mga bansa kung saan mandatory pa din ang pagsusuot ng mask sa mga public transportation ay marahil na patuloy na hikayatin ang mga pasahero sa paggamit ng mask. At ang mga pasahero na may karamdaman o mahina ang kalusugan ay dapat na patuloy na magsuot ng mask anuman ang ipinatutupad na patakaran.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Marcos Duterte tandem, nanguna din sa Italya! 

Regularization makalipas 2 taon: 100,000 katao, naghihintay pa rin ng permesso di soggiorno