in

Mga Tips para sa Pag-iipon

Alam niyo ba ang salitang Rat Race? Ang salitang ito ay nahango sa librong Rich Dad Poor Dad na isinulat ni Robert Kiosaki na ang ibig sabihin ay isang siklo (cycle) na dinadanas ng halos lahat ng mga mahihirap at nasa middle class na tao, ito ay gigising sa umaga, pupunta sa trabaho, magbabayad ng mga bayayarin at babalik sa bahay upang matulog muli, paulit ulit ito hanggang mawala sa mundo. Kaya isang tanong ang nais kong tanungin, nakakarelate ka ba? Ganito rin ba ang iyong sitwasyon? 

Bilang isang Registered Financial Planner at Financial Coach malimit na katanungan sa akin ng aking mga kapwa Overseas Filipinos ay papaano magsimulang mag-ipon. Mahirap daw umpisahan ito at sadyang sakto sakto lang sahod. Katulad ng Rat Race ganyan na ganyan ang situation nila sa buhay at maraming nagsasabi na napapagod na sila sa ganitong klase ng pamumuhay. Ang tanong nila kailan daw sila giginhawa. Ano ang dapat nilang gawin. Kaya naglista ako ng ilang tips paano ba magsimulang mag-ipon at makawala tayo sa Rat Race at pangako kapag inyong gagawin ito may pagbabagong magaganap sa inyong buhay.

Mga tips para makapag-ipon habang inieenjoy ang kasalukuyan.

  1. Pay your self first (Bayaran mo muna ang iyong sarili). Bago ka magbayad ng bayarin sa bahay, kuryente, tubig atbp unahin muna na itabi and nais mong ipunin. Isang suhestiyon na itabi mo ang atleast 10% ng iyong income monthly. Halimbawa ang iyong sahod ay 1,000 euro, itabi mo na kaagad ang 100 euro itago at dapat huwag mo itong galawin na. 
  2. Pagtrabahuin ang iyong pera (Make your money work for you). Naririnig niyo na ba yung salitang ang pera ay isang mabuting trabahor, hindi nagrereklamo at nagtatrabaho kahit ikaw ay natutulog? Opo totoo ito at ang Ibig sabihin nito ay iinvestnatin ang ating pera. Maaring ilagak ito sa Negosyo, o ilagay ito sa mga investment instrument katulad ng stocks, mutual fund, unit investment trust fund, VUL (insurance), bonds, property (rental), time deposits at pag-ibig MP2. Ang importante lamang na isipin na sa pag-iinvest ang hugot natin dapat ay to reach financial dreams and to fulfill financial goals at hindi ang pagyaman kaagad.
  3. Gumawa ng Budget. Isa ito sa mga pinakamahirap gawin, pero dapat tandaan na dapat bawat euro na lumalabas ay may pangalan. Kung balikan natin ang tip number one, tinanggal na natin ang 10% kaya may natitira pang 90% sa ating sahod. Dito na pumapasok ang tamang pagbabudget upang magkasya ito. Ang napaka-epektibong budgeting tool na ginagamit ng inyong abang lingkod ay ang tinatawag nating Kakeibo Method. Isang Japanase Method ng pag-babudget ng pera. Inililista at kina categories ang lahat ng lumabas mula sa itinakdang budget para masundan at mapigilan ang anumang di kaaya-ayang paggasta ng pera. Ang pagkakaroon pa ng budget ay isang paraan upang maging disiplinado at consistent tayo sa paggasto ng ating pera. 
  4. Pakikinig at pakikipagkaibigan sa mga taong marunong sa pera. May kasabihan sa English na the average top 5 people you are with everyday eventually you are number 6. Ang average daw na limang tao na kasa kasama natin, kausap natin at finafollow natin araw araw tayo ang pang anim. Kaya maging aware at maingat sa kung sino ang finofollow natin, kinakausap at kinakasama natin sa bawat araw. Kung ako ang inyong tatanungin kung sino mga kakwentuhan ko sa bawat araw, anjan sina Salve Duplito, Efren Cruz, Marvin Germo, Randell Tiongson at Dodong Cacando. Mga taong marurunong sa pera at handang itama ako kapag may mga maling desisyon sa pera, tumutulong sila sa pag-aayos ng aking buhay. Kaya ugaliing tignan aking mga kababayan sino ang ating mga kasa-kasama at pinag fofocosan ng ating attention. Sabi nga sa wikang English what you focus on expands.
  5. At ang pang lima maging Consistent, Determined at Stay Disciplined. Mga tatlong ugali na dapat mayroon tayo, kapag kulang ang isa hindi kumpleto. Sinasabi dapat natin sa ating sarili na bawat buwan consistent ako na magtatabi ng atleast 10% ng aking sahod. Determinado akong gawin ito at may Disiplina na kahit anong mangyari hindi ko ito gagalawin dahil ito ay para sa aking future.

Kaya sadyang napaka importante ng financial planning aking mga kababayan. Sa pamamagitan nito, makikita natin na pwede pala tayong mag enjoy sa kasalukuyan habang nag hahanda para sa ating kinabukasan. (Aries Baloran)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Lavoratori dipendenti, kailangan bang mag-aplay upang matanggap ang €200 bonus? 

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

€200 bonus, requirement at aplikasyon sa domestic job