Tinatayang aabot sa 31.5 milyon ang mga indibidwal na benepisyaryo ng € 200 bonus na simulang matatanggap sa July sa pamamagitan ng Decreto Aiuti(Legislative Decree 50/2022). Kabilang dito ang mga lavoratori dipendenti, self-employed, unemployed, pensyonado, seasonal workers, colf, caregivers at ang mga tumatanggap ng reddito di cittadinanza.
Bawat kategorya, gayunpaman, ay mayroong iba’t ibang mga proseso at requirements. Para sa ilan, ang bonus ay awtomatiko tulad ng mga pensyonado. Para sa iba naman ay kailangan ang partikular na deklarasyon tulad ng mga lavoratori dipendenti.
Samantala, mayroong kategorya na dapat mag-aplay para matanggap ang €200 bonus, tulad ng:
- colf at caregivers;
- mayroong contratto di collaborazione coordinate e contiuativa;
- seasonal workers na may contratto determinato
- mga manggagawang nakatala sa entertainment pension fund;
- occasional workers na walang partita iva.
Requirements at aplikasyon sa domestic job ng €200 bonus
Batay sa talata 8 artikulo 32 ng Decreto Aiuti, ang mga domestic workers ay makakatanggap din ng €200 bonus. Tinatayang aabot sa humigit kumulang na 750,000 ang mga domestic workers na makakatanggap ng bonus.
Walang itinakdang salary requirement. Ang tanging kundisyon lamang ay ang pagkakaroon ng isa o higit pa na regular na employment contract sa domestic job noong Mayo18, 2022, petsa kung kailan nagkaroong bisa ag decreto aiuti. Samakatwid, ang bonus ay esklusibong ibibigay sa mga regular na domestic workers o mayroong employment contract sa petsang nabanggit.
Ibibigay ng INPS ang bonus, matapos ang pagsusumite ng aplikasyon ng domestic worker, sa pamamagitan ng mga authorized patronato, na inaasahang magkakaroon ng electronic platform sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, ang mga patronati ay nagsimula nang tumanggap ng mga aplikasyon.
Listahan ng mga benepisyaryo sa domestic job na maaaring magsumite ng aplikasyon.
- colf, addetto alle pulizie della casa, addetto alla lavanderia, aiuto cucina, stalliere, assistente ad animali domestici, addetto alle aree verdi, operaio comune di fatica
- badanti e baby sitter
- collaboratore generico polifunzionale
- custode di abitazione privata
- addetto alla stiratura
- cameriere
- giardiniere
- autista
- addetto al riassetto camere e prima colazione per ospiti del datore di lavoro
- operaio qualificato
- cuoco
- governante. (PGA)