in

Pagkamatay ng asawa, hindi hadlang sa Italian citizenship 

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Ang dayuhan (o stateless) matapos magpakasal sa isang mamamayang Italyano, na kwalipikado o mayroong requirements para makapag-aplay ng Italian citizenship by marriage, ay hindi maaaring tanggihan ang aplikasyon dahil sa pagkamatay ng asawa na naganap sa panahon ng proseso bago tuluyang kilalanin ang karapatan.

Ito ang nakasaad sa hatol bilang 195 kung saan idineklara ng Constitutional Court ang pagiging hindi lehitimo ng article 5 ng batas bilang 91 “sa bahagi kung saan hindi nito tinatanggal ang pagkamatay ng asawa ng aplikante mula sa listahan ng mga dahilan na humahadlang sa pagkilala sa karapatan ng Pagkamamamayan, na nangyari habang pinoproseso ang aplikasyon sa panahong itinakda na nasasaad sa artikulo 7, talata 1“.

Ipinaliwanag ng Korte na hindi makatwiran ang hatol at, samakatuwid, salungat sa Artikulo 3 ng Konstitusyon, na tanggihan ang Pagkamamamayan sa isang dayuhan (o stateless) na kasal sa isang mamamayang Italyano na naging biyudo/biyuda matapos maisumite ang aplikasyon at bago ang pagtatapos ang proseso ng aplikasyon. Ang kamatayan, sa katunayan, ay isang bukod na kaganapan, na hindi saklaw ng aplikante at bilang dahilan ng pagkakaloob ng Italian citizenship. (Stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Halaga ng Permesso di Soggiorno, mula first releasing hanggang sa renewal

Mga dapat malaman ukol sa Permesso di Soggiorno per Calamità Naturale?