in

Permesso di soggiorno per sfruttamento lavorativo, kailan ibinibigay? 

Ang mga dayuhang manggagawa na biktima ng sfruttamento lavorativo o labor exploitation o pang-aabuso sa trabaho, batay sa artikulo 22 talata 12 quater ng D. lgs. N. 286/98 (TUI) ay may posibilidad na mabigyan ng isang espesyal na permesso di soggiorno na tinatawag na ‘casi speciali’ na balido ng anim (6) na buwan at renewable ng isang taon o higit pang panahon na kinakailangan para tapusin ang paglilitis.

Ano ang ibig sabihin ng sfruttamento lavorativo o labor exploitation o abuso sa trabaho? 

Itinuturing na biktima ng sfruttamento lavorativo o labor exploitation o pang-aabuso sa trabaho ang mga manggagawa na nasa isa o higit na sitwasyong nasasaad sa artikulo 603 bis ng Criminal Code ng Italya tulad ng: 

  • ang paulit-ulit na pagbibigay ng sahod na iba sa nasasaad sa collective contract;
  • ang sahod na hindi angkop sa dami at kalidad ng gawaing isinagawa; 
  • ang paulit-ulit na paglabag sa batas kaugnayan sa oras ng trabaho, oras ng pahinga, weekly day off, sapilitang bakasyon, at mga pista opisyal; 
  • ang paglabag sa patakaran sa security sa work place;
  • ang pagpapasailalim sa mga kondisyon sa trabaho;
  • paraan ng pagsubaybay; 
  • hindi angkop na sitwasyon ng pabahay.

Kailan ibinibigay ang permesso di soggiorno per sfruttamento lavorativo? 

Sa kaso ng mga undocumented na dayuhan o walang permesso di soggiorno na biktima ng labor exploitation, ayon sa batas ang questore, sa proposal o positibong opinyon ng public prosecutor, ay maaaring isyuhan ng permesso di soggiorno ang dayuhan na nagsampa ng reklamo at makikipagtulungan sa isinampang kaso laban sa employer (Artikulo 22, talata 12-quater ng Legislative Decree 286/1998). Ang kaso at ang pakikipagtulungan ng undocumented ay isang mahalagang requirement para sa pag-iisyu ng permesso di soggiorno na tinatawag na ‘casi speciali’.

Ito ay isang permesso di soggiorno na katulad ng dokumento na nasasaad sa talata 4, artikulo 18 TUI, na ibinibigay sa mga biktima ng trafficking o matinding exploitation. Gayunpaman, ang dalawang uri ng proteksyon ay hindi magkapareho sa layunin, requirements at aplikasyon

Ang pagkakaiba ng dalawang proteksyon, partikular, ang permesso di soggiorno na ibinibigay batay sa artikulo 22, talata 12 quater, ay maaari lamang ibigay ng questore sa proposal ng public prosecutor. Sa kaso naman ng artikulo 18, ang proposal at positibong opinyon ng judicial authority, bagaman nasasaad, ay hindi isang requirement sa pag-iisyu ng permesso di soggiorno, dahil ang pagsasampa ng reklamo ng umanoy biktima ng trafficking o malalang exploitation ay ikalawang elemento lamang kumpara sa pangangailangang protektahan ang mga pangunahing karapatan ng biktima at samakatwid ay hindi dahilan sa pagbibigay ng nabanggit na dokumento. Sa ganitong mga kaso, ay nasasaad din ang access sa mga special program sa social integration at assistance sa biktima.

Maaari bang magtrabaho ang inisyuhan ng permesso di soggiorno per casi speciali? 

Oo, ang pagkakaroon ng nabanggit na permesso di soggiorno ay nagpapahintulot makapag-trabaho. Ito ay maaari ring i-convert sa isang permesso di soggiorno per lavoro subordinato o autonomo sa expiration nito. 

Ang mga biktima ng malalang labor explotation na hindi nagsampa ng kaso ay mabibigyan din ba ng permesso di soggiorno? 

Oo, kung ang mga kondisyon para sa aplikasyon ng artikulo 18 (sitwasyon ng karahasan at malalang labor exploitation, sigiradong panganib sa kaligtasan ng biktima) batay sa mga indikasyon na nakapaloob sa Circular ng August 4 2007 ng Ministry of Interior, art. 18 ng TUI at artikulo 27 ng DPR 394/99, ang permesso di soggiorno ay maaaring ibigay ng questore batay sa proposal ng social services ng lokal na awtoridad, o ng mga asosasyon, kinatawan at iba pang mga organisasyon na rehistrado sa ikalawang seksyon ng ng mga asosasyon at ng mga entidad na layuning makatulong sa mga imigrante. (Integrazionemigrante)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako ay Pilipino

Colf at caregivers, timbog ng Guardia di Finanza sa hindi pagbabayad ng buwis

Bologna, nangunguna sa qualify-of-life ranking sa Italya