in

Updated anti-Covid vaccines, nalalapit na ang paglabas sa Europa

Nalalapit na ang paglabas ng mga updated anti-Covid vaccines laban sa Omicron sa Europa. 

Inaasahan ang isang extraordinary meeting sa Thursday, September 1 ng Committee for Medicinal Products for Human Use (CHMP) ng European Medicines Agency. 

Ito ay upang talakayin ang kahilingang awtorisasyon ng Moderna at Pfizer / BioNTech, para sa mga updated bivalent mRna vaccines at masakop din ang Omicron BA.1 sub-variant at ang orihinal na Sars-Cov-2 strain. 

Paliwanag ng EMA na layuning tapusin sa pulong ang mga pagsusuri ng dalawang requests.

Ang parehong uri ng bakuna ay unang inaprubahan sa UK, ang unang bansa sa mundo na nagbigay awtorisasyon sa isa sa mga bagong booster, ang Moderna.

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng Adnkronos, ay susuriin din kaagad pagkatapos ng mga nabanggit sa itaas, ang bakunang Pfizer na sakop ang Omicron 5. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Centrodestra, nangunguna sa Survey 

Presyo ng kuryente at gas, karagdagang € 1,231 kada pamilya