in

€150,00 bonus, matatanggap ng mga domestic workers sa Italya

bonus colf e badante

Ang bagong bonus na nagkakahalaga ng €150,00 – nasasaad sa Decreto Legge 23 sett 2022, number 144 (kilala bilang Decreto Aiuti Ter) na inilathala sa Official Gazette at may bisa simula noong Sept. 24, 2022 – ay matatanggap din ng mga colf, caregivers at mga babysitters sa Italya. 

Ang mga domestic workers na nagsumite ng aplikasyon upang matanggap ang €200,00 bonus, na maaaring i-apply hanggang Sept. 30, 2022, ay matatanggap din ang bagong bonus na € 150,00, ayon sa Assindatcolf, ang national association of employers of domestic workers. 

Inaasahang ang INPS ay magbibigay ng bonus na nagkakahalaga ng €150,00 sa buwan ng Nobyembre sa lahat ng domestic worker na, mga benepisyaryo na ng € 200,00 bonus. 

Gayunpaman, ang implementing rules ay inaasahang ilalabas ng INPS sa lalong madaling panahon. (PGA)

Basahin din:

Bagong € 150 bonus, hatid ng Decreto Aiuti ter

Click to rate this post!
[Total: 8 Average: 3.5]

For good sa Pilipinas bago ang pensionable age, paano ang binayarang kontribusyon sa Italya? 

Ora solare, kailan magbabalik?