in

Ora solare, kailan magbabalik? 

Sa pagtatapos ng Summer at pagdating ng Autumn, unti-unting napapalitan ang mainit at maaraw, nang maulan at malamig na mga araw. Kasabay nito ay ang pagpapalit ng oras mula ora legale sa ora solare o winter time

Kailan magbabalik ang ora solare?

Kumpirmado kahit ngayong taon ang pagbabago ng oras sa Italya. Ito ay nakatakda sa huling araw ng Linggo ng buwan ng October, October 30, 2022

Sa ganap na alas 3 ng madaling araw ng October 30, ay ibabalik paatras ng isang oras ang mga orasan, at gagawing 2:00 am. Ang pagpapalit ng oras ay magpapahintulot ng higit na tulog na isang oras. 

ora-solare-Ako-Ay-Pilipino

Ang pagbabago ng oras sa ora solare ay nangangahulugan din ng mas maigsi ang araw at mabilis ang pagkalat ng dilim. Sa katunayan, ang sunset o paglubog ng araw ay nagaganap ng bandang alas 4 ng hapon. Ito ay isang mahalagang pagbabago na nagdudulot din ng epekto sa marami at nangangailangan ng bahagyang ‘assessment’ sa mga kinagawian sa araw-araw, tulad ng oras ng gising, kain at iba pa. 

Kaugnay nito, simula taong 2018 ay pinag-uusapan na ang posibleng pagtatanggal sa ora legale. Maraming mga bansa ng European Union ang nagsulong nito ngunit hanggang sa kasalukuyan ay walang malinaw na desisyon ukol dito ang EU. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 1.5]

bonus colf e badante

€150,00 bonus, matatanggap ng mga domestic workers sa Italya

Ako ay Pilipino

Employment contract ng mga domestic workers, may bagong regulasyon