Pumalo sa 8.9% ang annual inflation rate ng Italya sa buwan ng Setyembre mula 8.4% noong Agosto. Ito ay ayon final data ng ISTAT kung saan kinukumpirma ang mga paunang pagtatantya ng inflation rate noong nakaraang buwan.
Ayon pa sa national statistics agency, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng pagkain, ay lalong itinutulak pataas ng presyo sa enerhiya.
Sa katunayan, ang trolley index o ang kilala sa tawag ‘carrello della spesa’ ng mga pang-araw-araw na gamit tulad ng pagkain at mga household items ay tumaas ng 10.9% noong Setyembre, ang pinakamataas na naitala mula noong umabot ito sa 11% noong Agosto 1983.