Ang travel documen o titolo di viaggio per stranieri ay isang dokumento na katumbas ng pasaporte na iniisyu ng embahada/konsulado ng country of origin at nagpapahintulot sa owner nito ng malayang pagbibiyahe sa loob ng Schengen Area.
Gayunpaman, alinsunod sa talata 2 ng art. 24 ng Batas. 251/2007, ang travel document ay maaaring iisyu sa mga mayroong international protection status, partikular ang mga mayroong subsidiary protection status sa pagkakaroon ng matibay na dahilan at imposibleng makakuha ng pasaporte mula sa mga awtoridad ng country of origin.
Ang mga mayroong subsidiary protection status dahil sa panganib na tinutukoy sa letra A (death penalty) at B (torture o hindi makatao o mapang-abusong pagtrato) ng artikulo 14 ng Batas 251/2007, ay hindi maaaring makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng kanyang country of origin at dahil dito ay hindi maaaring mag-aplay ng pasaporte mula sa kanyang sariling Embahada.
Alinsunod sa art. 24 ng Batas 251/2007 ang pag-iisyu ng nasabing dokumento sa mga subsidiary protection status holders, dahil may matibay na batayan na hadlang sa pag-aaplay ng pasaporte sa embahada/konsulado ng dayuhan.
Sa ganitong mga kasong ito, ang Questura ay nag-iisyu ng travel document.
Requirements para magkaroon ng travel document
- 2 ID pictures;
- Kopya ng permesso di soggiorno;
- Kopya ng probisyon ng pagkilala sa status ng Territorial Commission;
- Sertipiko ng kasalukuyang tirahan;
- Dokumentasyong nagpapatunay sa mga dahilan na humahadlang sa pag-iisyu pasaporte ng embahada/konsulado sa Italya.
- Government concession fee € 73.50;
- Resibo ng pinagbayaran ng halagang € 42.22 (sa c.c. n. 67422808 sa ng Ministry of Economy and Finance – Treasury Department).
Paalala: Ayon sa artikulo 24, sa pagkakaroon ng mga makatwirang batayan sa pagdududa ukol sa pagkakakilanlan ng may subsidiary protection status, ang request ay maaaring tanggihan o bawiin ang dokumento.
Samantala, ang mga mayroong special protection status, ay may karapatan ding ma-isyuhan ng travel document.
Sa pamamagitan ng isang written proof mula sa Embahada na nagpapatunay na hindi awtorisado na mag-isyu ng pasaporte, o kung mayroong subjective or objective reasons na hadlang sa releasing ng dokumento, tulad ng pagkakaroon ng balidong dahilan ng takot sa pakikipag-ugnayan sa embahada ng sariling bansa, kawalan ng kakayahang makapag-provide ng mga dokumentong kinakailangan ng embahada para sa pag-iisyu ng pasaporte, kawalan embahada/konsulado sa Italya) ay posibleng hilingin ang travel document nang direkta mula sa Questura.
Samakatwid, kinakailangan na magbigay ng dokumentasyon na nagpapatunay sa mga dahilan bilang hadlang sa pag-iisyu ng pasaporte ng embahada/konsulado sa Italya.