in

23-anyos na Pinoy, nasawi sakay ng monopattino

Ang komunidad ng mga Pilipino sa Roma ay nagluluksa matapos mabalitaan ang pagkasawi ng isang 23-anyos na pinoy. Ito ay matapos na mawalan ng kontrol sa sinasakyang monopattino o e-scooter.

Ang nasabing sakuna na naitala noong araw ng Biyernes ika-11 ng Nobyembre 2022 bandang alas 2 ng madaling araw ay naganap sa may Piazza Annibaliano, sa quartiere Trieste sa Roma.

Tumilapon umano ang biktima, si matapos bumangga sa bangketa ang monopattino at saka sumalpok sa isang poste. Malakas ang impact ng aksidente na nagdulot ng kamatayan sa biktima.

Ilang mga cctv footages ang nasa kamay ng mga kapulisan upang mas magbigay linaw sa isinasagawang malalimang imbestigasyon. Ayon sa mga unang resulta, maaaring walang ibang sasakyang sangkot sa nangyaring aksidente bagamat maraming aspeto pa ang masusing pinagaaralan ng mga awtoridad. 

Dahil sa pangyayaring ito ay muling nabuksan ang tema patungkol sa seguridad ng e-scooters sa lansangan ng mga pangunahing kalsada sa Italya. Mas dumarami umano ang bumibili ng mga monopattino. Kuwento kasi ng mga gumagamit nito ay mas nakakatipid sila sa pamasahe at nakakaiwas sa traffic. Nguit dahil sa mga aksidenteng sangkot ang panibagong sasakyan na ito ay mas magiging mahigpit ang mga patakaran sa paggamit nito.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad na mas maging maingat, ugaliing magsuot ng helmet, huwag magmaneho pag nakainom, at iwasan ang sobrang bilis na pagmamaneho ng e-scooter upang makaiwas sa aksidente.

Quintin Kentz Cavite Jr.

Basahin din:

Monopattino, dumadami ang aksidente sangkot ang mga Pilipino

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 3.9]

Natanggal sa trabaho, kailangan bang magpatala sa Centro per l’Impiego?  

Pinay, gold medalist sa Para-Karate Regional Competition sa Roma