Sa Circular ng Inps number 127 ng November 16, 2022 ay nasasaad ang mga petsa kung kailan matatanggap ang €150,00 bonus ng lahat ng mga benepisyaryo nito.
Colf, kailan matatanggap ang €150 bonus?
Tulad ng nabanggit sa naunang artikulo ng Ako ay Pilipino, ang pagbibigay ng bonus mula sa INPS ay awtomatiko para sa mga colf at caregivers na kwalipikado at nagtataglay ng mga requirements.
Basahin din:€150 bonus, matatanggap din ba ng mga colf na nakatanggap ng €200 bonus?
Tunkol sa petsa ng pagbibigay ng €150,00 bonus sa mga colf, narito ang binanggit ng Inps:
Batay sa artikulo 19, talata 8 ng Decreto Aiuti Ter, ibibigay ng Inps ang bonus sa mga colf at caregivers sa buwan ng November 2022”.
Samakatwid, marahil ay mayroon ng mga colf ang nakatanggap nito at ang pagbibigay ng Inps ng bonus ay magpapatuloy hanggang sa buwan ng December 2022.
Paano malalaman ang petsa ng pagtanggap ng bonus?
Upang malaman ang eksaktong petsa, maaaring mag-log in sa website ng Inps at magtungo sa ‘Fascicolo Prevedenziale del Cittadino‘ at i-click ang ‘Prestazione e Pagamenti‘ sa menu sa bandang kaliwa.
Bilang alternatiba, sa pamamagitan ng APP ng Inps, gamit ang SPID, sa servizio: Stato pagamenti e cedolini.