in

I’m a Baller Milan, tagumpay ang ginanap na Aquaintance Party

Nitong nakaraang ika 7 ng Enero ay ginanap ang kauna unahang Aquaintance Party ng I’m a Baller Milan, ang kauna-unahang Filipino Basketball Academy at ang nag-iisang Filipino Basketball Club sa Italya na naglalaro sa Italian League.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng bagong Consul General ng Philippine Consulate of Milan na si Sir Elmer G. Cato. Aniya, ito ang pinaka-unang event ng Filipino Community na kanyang dinaluhan mula nang siya’y dumating sa Italya. Kasama sa mga panauhin ng nasabing pagdiriwang ay ang Founding Chairman ng MOVE OFW na si Sir Ed Turingan, na naglalayon ng pagtulong sa maraming mga kababayan sa Milan nang walang bayad, sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng kanilang grupo.

Ang I’m a Baller Milan ay pinapangunahan ni Coach Junard Borcena, isang former College Coach sa Pilipinas at kasama niya ay ang mga young Coaches na sina Mark Jazon Cabrera, Mark Barrozo, Marvin Tabin at Mart Tuliao. Sa ngayon ay nasa halos 100 na ballers ang naka enrol sa Im a Baller Milan Academy. 

Kabilang sa mga tagumpay ng I’m a Baller Milan ay ang dalawa (2) sa kanilang manlalaro. Sina Allen Peres at Gabe De Jesus, ay pawang mga manlalaro sa pinaka kilalang Torneo sa Pilipinas ang UAAP JRS SEASON 85 sa darating na January 15, para sa Adamson University. Ang isa naman na si Christian Vergara ay maglalaro para sa University of Makati. Isa din sa naging manlalaro ng Im a Baller Milan ay ang kauna-unahang Fil Italian na-drafted sa PBA, si Alberto Torres. At ang 21 years old na si Renzel Orenze na naglaro sa MPBL at PSL na Professional League sa Pilipinas.

Sa nasabing pagdiriwang ay inihayag ng bagong Consul General ang kanyang mga plano para higit na matulungan ang OFW sa Milan. Isa sa kanyang nabanggit ay ang planong extension ng working hours ng Konsulato ng Milan na hanggang alas 4 ng hapon. Inihayag din nya na kasama sa kanyang nais ang pagbubukas ng isang araw ng Linggo ng Konsulato, para mas lalong matulungan ang mga OFW na Linggo lang may oras para makapunta sa Embahada.

Sa ngayon ay patuloy na naniniwala ang mga coaches ng Im a Baller Milan na ang bawat batang manlalaro sa Milan ay kailangan matutong maglaro na may DISCIPLINE, COMMITMENT at RESPECT. Naniniwala ang grupo na basta tama ang puso, kailanman ay hindi sila mabibigo. (AaP)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 2.5]

Simpleng Paraan para Mabawasan ang Nadagdag na Timbang Nitong Pasko

Halaga ng Assegno Sociale 2023, tumaas sa €503.27