Muling bumalik sa Kiev si European Commission President Ursula von der Leyen, sa ikaapat na pagkakataon mula nang sumiklab ang digmaan.
“Ako ay nasa puso ng Europa. Ang Ukraine ay naging sentro ng ating kontinente, kung saan ipinagtatanggol ang kalayaan ng mga Europeo at kung saan isusulat ang ating kinabukasan,” aniya sa isang press conference kasama si Volodymyr Zelensky, ang Ukraine President.
“Ang aking pagbisita ngayon ay higit pa sa isang pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal, ito ay isang family riunion“, sabi pa ng pangulo ng ehekutibo ng EU, na inulit na kinakailangang manatili sa panig ng Ukraine.
Pagkatapos ay sinabi ni Von der Leyen na ang Europa ay mananatili sa panig ng Ukraine hangga’t kinakailangan, hanggang sa itaas muli ang bandila ng Ukraine kung saan ito nabibilang, sa Brussels sa gitna ng mga institusyon ng EU.
Binanggit din ni von der Leyen ang suporta ng European Union sa Ukraine na umabot na sa halagang 50 billion euros.
Noong nakaraang taon, kami ay nangako: isang matatag at maaasahang financial support. At tinupad namin ang pangakong ito. Dalawang linggo na ang nakalipas, ibinigay namin ang unang tranche ng aming financial support na €18 billion para sa 2023. Ang financial, humanitarian at military support ng European Union sa Ukraine, sa kabuuan, ay umaabot na ngayon sa €50 billion mula nang magsimula ang digmaan“.