Mahilig ka bang pumasok sa mga museums? Alam mo ba ang tungkol sa ‘Domenica al Museo’?
Sa Linggo, February 5 ay muling makakapasok nang libre sa mga museums sa buong Italya.
Ito ay hatid ng proyektong ‘Domenica al Museo’ ng Ministry of Culture ng Italya, na sinimulan noong 2014, at nagbibigay-daan sa libreng pagpasok, tuwing unang araw ng Linggo ng buwan, sa mga state museums at archeological parks.
Ang free entrance ay magaganap sa opening hours sa publiko ng mga museums, sa pamamagitan ng reservation, kung kinakailangan.
Noong nakaraan buwan ng Enero, ang naitalang turnout ay 192,896 katao. At tulad ng inaasahan nangunguna palagi sa listahan ng most visited ang Colosseum sa Roma at sinundan ng Pompei at ng Gallerie degli Uffizi sa Florence.