Niyanig ng 7.8-magnitude na lindol ang timog-silangang Turkey at hilagang Syria ng madaling araw ng Lunes, Feb. 6, 2023.
Halos 2,500 na ang mga namatay. Ayon sa mga opisyal ng mga bansang sangkot sa malakas na pagyanig, umabot na sa 1,541ang mga namatay Turkey; sa Siria naman ay 538 at 390 naman sa ibang panig ng earthquake zone.
Umabot na sa 3,471 ang mga gusaling gumuho sa Turkey, ayon sa isang press release ng bise presidente ng Turkey, Fuat Oktay. At ang mga sugatan ay umakyat na sa 9,733. Naitala naman ang 145 aftershocks.
Ang death toll ay kinatatakutang aabot sa 10,000 habang ang mga rescue teams ay nagbubungkal sa mga nawasak na gusali at bahay sa mga siyudad at bayan ng earthquake zone.
Ang mga rescue teams ay patuloy ang paghahanap ng mga survivors at inilalabas ang mga tao sa stretchers mula sa gabundok na napiping concrete floors na dati ay mga apartment buildings.
Italya, handa sa pagtulong
Kaugnay nito, nagpahayag si Italy Foreign Affairs Minister Antonio Tajani na handa ang Italya sa pagtulong. Aniya handa ang Civil Protection team at ang unang batch ng USAR (Urban Search and Rescue) ng Vigili del Fuoco ay papunta na sa earthquake zone. Tiniyak din niya na ligtas ang 21 Italians sa lugar kung saan malakas ang pagyanig, pati ang 168 Italians na nasa lugar na apektado ng lindol. (PGA)