Kadalasan, sa kabila ng pagsusumikap ng batas ng Italya na labanan ang ‘irregularities’ sa domestic sector, partikular ang tinatawag na lavoro nero o ang non-employment, maraming colf ang nasa sitwasyong ito na tumatagal ng maraming taon.
At sa paglipas ng taon o dekada ay lumalalim ang pagtitiwala ng parehong partes sa bawat isa at umaabot sa puntong itinuturing na halos kapamilya ang isa’t isa. Ngunit sanhi ng maraming dahilan ay posibleng magtapos ang trabaho at masira ang mga taong pinagsamahan dahil sa kakulangan o kawalan ng sapat na kaalaman o dahil sa sinadyang paglabag sa batas.
Karapatan ng colf
Una sa lahat, dapat tandaan na ang colf, kahit walang kontrata, ay may karapatang matanggap ang TFR o trattamento di fine rapporto o separation pay sa wikang ingles, tulad ng lahat ng mga workers. Ito ay tinatawag din na Liquidazione sa wikang italyano.
At kung ang employer ay tatanggi na ibigay ang TFR, ang colf ay maaaring lumapit sa Giudice del Lavoro upang makuha ito bukod pa sa maaaring magsampa ng reklamo sa Ispettorato del Lavoro.
Bukod sa TFR, ay kakalkulahin din ang overtime pay, batay sa CCNL. Ang minimum salary, ang scatti di anzianità o years of service, kaukulang vitto e alloggio o board and lodging, tredicesima at ferie non godute.
Panganib na hatid ng lavoro nero sa employer
Bukod dito, mahalagang tandaan na ang reklamo o denuncia per lavoro nero mula sa colf ay posibleng humantong sa pagbabayad ng employer sa contributi Inps ng worker, bukod pa sa posibleng parusa at multa sa employer. Kabilang dito ang non-employment mula €200 hanggang €500, hindi pagpapatala sa worker sa Inps mula €1500 hanggang € 12,000 at ang multa sa paglabag sa batas na may pinakamababang multa na €3,000.
Panganib na hatid ng lavoro nero sa colf
Gayunpaman, huwag kalimutan na ang colf ay mayroon ding dapat haraping mga parusa. Tulad ng pagdedeklara na walang trabaho sa Centro per l’Impiego upang matanggap ang unemployment benefit o Naspi at ang Reddito di cittadinanza.
Sa ganitong mga kaso, ay kailangang ibalik ng colf ang lahat ng natanggap na benepisyo at posibleng kasuhan ng false declaration at parusahan ng pagkakalukong bilang panloloko sa gobyerno.
Basahin din:
- Scatti d’anzianità, natatanggap din ba sa domestic job?
- TFR o liquidazione, paano kinakalkula?
- Board ang lodging: kailan binabayaran sa domestic job
- Tredicesima, kailan ibinibigay? Paano kung hindi ito matanggap?
- Ferie non godute sa domestic job
- Lavoro nero, ang panganib na hatid nito sa domestic worker