in

Assegno Unico: €210,00 kada anak, kailangang ibalik sa Inps

Posibleng kailanganing ibalik ng ilang pamilya ang maliit na bahagi ng assegno unico na labis na naibigay ng Inps noong 2022. 

Sinusubukang ayusin ng INPS ang pitong buwang (mula Marso hanggang Setyembre) naibigay na karagdagang halaga ng €30,00 sa mga hindi naman dapat makatanggap nito. Samakatwid, posibleng padalhan ng komunikasyon ang mga hindi kwalipikado at ipabalik ang halagang €210, 00 kada anak. 

Simula noong Oktubre, ang assegno unico ay nabawasan, kumpara sa mga nagdaang buwan, sa halos isang milyong mga pamilya na may single-parent. Ang mga pamilyang nabanggit ay hindi dapat makakatanggap ng hanggang €30 kada anak, tulad ng mga pamilya kung saan ang parehong magulang ay nagta-trabaho. 

Ang karagdagang €30 ay para sa mga pamilya na mayroong ISEE na hindi lalampas sa €40,000. Ito ay maaaring umabot hanggang €60,00 kada buwan kung may dalawang dependent na mga anak, at €90,00 kung tatlo. 

Ito ay tumutukoy sa isang pagkakamali dahil hindi din tinukoy sa application form ang mga requirements. Sa katunayan, noong una, ang icrease ay kinikilala din sa mga single parents na sa oras ng aplikasyon, ay nagpahayag na sila ay nagtatrabaho. 

Ang Inps, samakatuwid, ay ibinigay din ito sa kanila at simulang bawasan ang halaga ng benepisyo simula October. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 1.5]

Halaga ng kontribusyon sa Domestic job sa taong 2023 

“Verifica di Identità Digitale”, karagdagang verification para sa SPID mula sa INPS