in

Cobra GUARDIANS ng Firenze at Pisa, sabay na nagdiwang ng anibersaryo

Muling nagbabalik ang mga masasayang pagdiriwang ng mga komunidad ng mga Pilipino sa Italya matapos ang mahaba-habang pagpapahinga dulot ng pandemya.

Ika- 26 ng buwan ng Pebrero nang sabay na ipagdiwang ng dalawang tsapter ng Cobra GUARDIANS Brotherhood Philippines International Incorporated o CGBPII ang kanilang anibersaryo. Ang CGBPII Firenze ay nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo mula nang sila ay opisyal na mairehistro sa Securities and Exchange Commission. Samantala, ang Black Diamond Pisa Chapter naman ng CGBPII ay umabot na sa kanilang ika-limang taon.

Ginanap ang pagdiriwang sa isang locale sa Pisa, di kalayuan sa Galileo Galilei Airport. Sa pagsisimula pa lamang ay bakas na sa mukha ng mga kasapi ng samahan ang kagalakan. Sabik na muling makadaupang palad ang kanilang mga kapatid sa balikat mula sa iba’t-ibang branches ng GUARDIANS sa rehiyon ng Toskana. Dumalo ang GUARDIANS Emigrant Legion Clusters International l Incorporated o GECLII ng Montecatini Terme at Pistoia Province. Nakiisa din ang mga chapters ng United Filipino GUARDIANS Blue Falcon Int’l Incorporated mula sa Montecatini Terme at Firenze. Ang dalawang chapters ay pinangunahan ng kanilang Founding Chairman na si Elmer “Pcgs El Torpedo” Alvarez at ni Pres. Glenn Mabrey Amante ng Firenze chapter.

Damang dama ang pagkakaisa ng mga dumalo na nagpahayag ng kanilang mga saloobin sa kanilang mensahe ng pagbati. Ang bawat pagsapit ng anibersayo ay isang biyaya sapagkat hindi lahat ay umaabot sa ganitong yugto ng kasaysayan ng kanilang mga naitayong organisasyon.

Lubos ang pasasalamat ng CGBPII Chairman na si Dexter “Pcgs Dex” Aldueza at ng Black Diamond Chapter President na si Roderick “Srmg Batang” Babao sa lahat ng dumalo at tumulong upang maging matagumpay ang idinaos na double anniversary. Partikular na pinasalamatan ang National President ng GECLII 1st Legion Italy na si Quintin “Bossing” Cavite Jr. na siyang naging master of ceremonies. Sumuporta naman si Mr. Pabs Alvarez, presidente ng Confed Tuscany kasama ang kanyang bise-presidente na si Mr. Erick Manalang.

Ang pormal na pagdiriwang ay nagtapos sa pamamagitan ng pagawit ng “Panata ng GUARDIANS” at sabay-sabay na paginom ng GUARDIANS’ wine, simbolo ng samut-saring ugali ng mga kasapi ng samahan. Lumilipas ang panahon ngunit ang hanay ng mga GUARDIANS ay patuloy na maninilbihan sa lipunan na kanilang ginagalawan, matapat sa kahulugan ng akronim na nakatatak sa kanilang mga balikat: G.U.A.R.D.I.A.N.S “Gentlemen and United Associates of the Race. Dauntless and Ingenuous Advocators of the Nation and the Society. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.3]

Misura di Inclusione Attiva, inihahanda bilang kapalit ng Reddito di Cittadinanza

Outdoor smoking, ipagbabawal sa Italya