in

Permesso di Soggiorno per Attesa Occupazione, maaari bang gamitin sa pag-uwi sa Pilipinas? 

Ang dayuhang mamamayan sa Italya na may permesso di soggiorno per motivi di lavoro na nawalan ng trabaho ay nawawalan din ng posibilidad na marenew ang hawak na dokumento. 

Sa ganitong sitwasyon, ay iniisyu ang permesso di soggiorno per attesa occupazione sa mga dayuhang walang employment contract sa kundisyong nakatala sa liste di collocamento (sa loob ng 40 araw makalipas ang huling trabaho) sa Centro per l’Impiego

Basahin din:

Bukod sa nabanggit, ay kailangang mag-aplay sa Questura ng releasing ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. 

Ano ang permesso di soggiorno per attesa occupazione? 

Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione ay isang uri ng residence permit na nagpapahintulot sa dayuhan ang manatili sa Italya kahit na walang employment contract at naghihintay na i-hire ng bagong employer. Gayunpaman, ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ay nagpapahintulot sa dayuhan na makapag-trabaho kahit sa ibang sektor.  

Anu-ano ang mga karapatan ng mga dayuhang may hawak na permesso di soggiorno per attesa occupazione?

Ang sinumang mayroong permesso di soggiorno per attesa occupazione ay may karapatang: 

  • Maka-access sa health services ng Italya;
  • Mapanatili ang iscrizione anagrafica;
  • Makapag-sumite ng aplikasyon para sa permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, sa pagkakaroon ng mga requirements na nasasaad sa article 9 ng Testo Unico. 

Bukod sa nabanggit, ang permesso di soggiorno per attesa occupazione ay maaaring magamit sa pag-uwi sa Pilipinas sa pagkakaroon ng emerhensya. Ipinapayong siguraduhin na mayroong nagbabayad ng kontribusyon sa Inps at may employment contract at hindi pa lamang naa-update ang hawak na permesso di soggiorno sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato. Sa kawalan ng mga nabanggit, ipinapayong huwag itong gamitin sa paglabas ng Italya.

Sakaling hindi pa hawak ang permesso di soggiorno per attesa occupazione at ang hawak lamang ay ang ricevuta postale o cedolino o tagliandino, ay mayroong karapatan katulad ng isang regular na dayuhan. 

Basahin din:

Paano mag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

Kung ang hawak na permesso di soggiorno ay malapit nang mag-expire, kinakailangang magpadala (60 araw bago ang expiration) ng aplikasyon para sa releasing ng permesso di soggiorno per attesa occupazione, sa pamamagitan ng postal kit gamit ang parehong modulo 1 at 2. 

Dapat ilakip ang mga sumusunod:

  • Fotocopy ng mga pahina ng pasaporte kung nasaan ang mga personal datas, at mga entry visa;
  • Kopya ng pagpaparehistro sa Centro per l’Impiego;
  • Kopya ng mage-expire na permesso di soggiorno;
  • Kopya ng Certificato di residenza o Dichiarazione di ospitalità o Cessione fabbricato o Contratto d’affitto o Contratto di comodato;
  • Kopya ng huling CUD, tatlong kopya ng busta paga o huling contributi Inps.

Kailangang bayaran ang kabuuang halaga ng € 116,46 para sa releasing ng permesso di soggiorno per attesa occupazione:

  • €30,46 para sa releasing ng e-card;
  • €30,00 para sa pagpapadala ng Kit;
  • €40,00 para sa kontribusyon sa releasing ng permesso di soggiorno;
  • €16,00 para sa marca da bollo.

Validity ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione ay may validity na hindi bababa sa isang taon (Batas 92/2012 art. 4, talata 30, Reporma sa paggawa).

Ang pagkakaroon ng trabaho sa panahon ng validity ng hawak na permesso per attesa occupazione (at hindi ito naa-update sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato) ay nakakansela ang registration sa Centro per l’Impiego. 

Renewal ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

Nilinaw ng Circular ng Ministry of Interior ng 03.10.2016, n. 40579, ang posibleng renewal ng permesso di soggiorno per attesa occupazione, kung ang dayuhan ay miyembro ng pamilya kung saan mayroong kahit isa na makakapagpatunay ng pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal para matugunan ang pamilya. Sa ganitong kaso ay required ang pagkakaroon ng kita o sahod katumbas ng required salary para sa Ricongiungimento familiare

Kung sakaling ang dayuhan ay hindi makahanap ng bagong trabaho at walang sapat na mapagkukunang pinansyal ay dapat lisanin ang bansa at ang mga gastusin sa pagbalik sa Pilipinas ay magmumula sa huling employer. 

Bilang alternatiba, kung ang dayuhan ay may sapat na requirementa ay maaaring mag-aplay ng permesso di sogigorno per protezione speciale. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

PIDA, may bagong pamunuan 

Over-qualification ng mga dayuhan sa Italya, ikalawa sa Europa