Pinarangalan ng America’s World Art Awards ang Uffizi Gallery sa Florence bilang isa sa 20 best art galleries sa buong mundo at ang best gallery sa Italya ngayong2023.
Ang Uffizi, ay tanyag sa buong mundo dahil sa mga koleksyon ng mga ancient sculptures at paintings, partikular ng 14th-century at Renaissance period.
Ilan sa mga criteria para sa selection ay ang mga sumusunod: taon ng pagkakatatag, reputasyon sa industriya, interes sa online, lokasyon, laki, aesthetics, mga eksibit na mahalaga sa lipunan, educational program at mga kinatawang artists.
Bukod sa nabanggit, ang Uffici Gallery ay ang pinakamahalagang museo ng Italya, ang pinakabinibisita, pinakamalaki at pinakakilala sa mundo.
Ang iba pang mga gallery na napili para sa parangal ay ang Vancouver Art Gallery sa Canada, ang Savannah Center para sa Contemporary Art sa Ghana at ang Balcony Contemporary Art Gallery sa Portugal.