in

INVESTMENT DAY – SPECIAL EDITION PHILIPPINES

Kabilang sa mga bagay na itinuro sa atin ng pandemya ay ang halaga ng pagkakaroon ng nakatabing pera para sa panahon ng kagipitan o emerhensya. Ang kawalan ng kasiguraduhan para sa mga posibleng mangyari sa kinabukasan ay dapat na isaalang-alang upang higit na mabigyang halaga ang pamilya, kalusugan at hanapbuhay.

Ito ay sa pamamagitan lamang ng paghahanda sa kasalukuyan.

Samakatwid, sa pamamagitan ng pag-iipon o pag-iimpok at pag-iinvest, na susi para sa isang bukas at isang buhay na sagana at panatag.

Para sa mga filipino overseas workers na nilisan ang mga mahal sa buhay at hinarap ang hamon ng pakikipag-sapalaran sa ibayong dagat, nararapat lamang na maging maparaan sa paghawak ng pera upang maging makabuluhan ang pag-iimpok.

Ngunit paano nga ba sisimulan ang pag-iipon? May tama bang ‘formula’ para simulan ito?

Ano ang pagkakaiba ng salitang pag-iipon sa pag-iivest? Paano sisimulan ang pag-iinvest? Anu-ano ang mga programa ng ‘investment’ na angkop para sa mga Pilipino sa Italya?

Bukod sa magiging pensyon ng mga manggagawang dayuhan sa Italya, ano ang iba pang paraan upang madagdagan ang future old age pension?

May mga katanungan ka ba tungkol sa pag-iipon at pag-iinvest?

Ito na ang tamang panahon upang malaman ang sagot sa inyong mga katanungan.

Ikaw ay aming inaanyayahan sa gaganaping online event ukol sa pag-iipon at pag-iinvest ng mga Pilipino sa Italya para sa proteksyon mo at ng iyong pamilya.

Sa Miyerkules, March 29, 2023, alas 6:30 ng hapon, via Facebook live sa Ako ay Pilipino www.facebook.com/akoaypilipinoitalya, tatalakayin at sasagutin ang inyong mga katanungan nina Haira Haceveda, ang consultant ng Alleanza Assicurazione at Pia Gonzalez, ang journalist ng Ako ay Pilipino.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Uffizi Gallery sa Florence, kasama sa top 20 ng World Art Awards

Pinaka ‘maleducati’ na Italians, saan matatagpuan?