in

Isa pang Decreto Flussi 2023, isinusulong ng mga asosasyon 

Sa itinalagang click day noong nakaraang March 27, 2023, ay umabot sa 240,000 ang mga aplikasyon sa unang araw, habang ang itinakdang quota ng gobyerno ni Meloni ay 82,705 lamang

Basahin din: Click day ng Decreto Flussi: higit sa 240,000 application!

Kahit na itinatanggi ng Viminale ang posibleng Decreto Flussi 2023 bis o Decreto Flussi ‘Emergency’, ang kasalukuyang gobyerno ay napipilitang harapin ang katotohanan, at batay sa ilang sources, tila nagbubukas ang posibilidad ng isang panibagong dekreto upang isalba ang mga kumpanyang kapos sa human resources at ang panganib na hindi maani ang mga prutas at gulay sa tamang panahon. Ayon pa sa ilang report, may humigit kumulang na 160,000 umano ang karagdagang permesso di soggiorno ang pinag-aaralan sa kasalukuyan ng Ministries of Agriculture, Tourism at Business and Made in Italy.

Sa Italya, isa sa apat na agricultural products ay inaani ng mga dayuhan sa Italya at sa kasalukuyan ay may 358,000 workers mula sa 164 iba’t ibang bansa na nagtatrabaho sa mga bukirin. Para sa Coldiretti at Cia, dalawang agricultural associations, ang sektor ay nangangailangan ng karagdagang 100,000 workers, ngunit ang kasalukuyang Decreto flussi ay nagpapahintulot lamang sa 44,000 na dayuhang manggagawa. 

Kahit ang Tourism sector ay nahihirapan din sa kakulangang ng mga staff. Kinailangang tanggihan ng mga hotel ang ilang reservations sa Easter hanggang sa Summer kung saan inaasahang papalo sa 127 milyon ang mga turista. Kinumpirma ng Assoturismo Confesercenti na 34% ng staff ang kulang sa sektor, kabilang ang mga waiter, cleaning staff, at receptionists.

Basahin din: Turismo sa Italya, record ngayong taon!

Para sa marami, kasama ang vice president ng Fipe Confcommercio, ang Italian federation of public establishments, ay sinabing hindi sapat ang Decreto flussi. Aniya, ang restaurant sector, partikular sa mga tourist resorts, ay nangangailangan ng 200,000 seasonal workers.

Bukod dito, ang domestic sector, partikular ang Assindatcolf ay hinihiling na isama sa susunod na decreto flussi ang mga colf at caregivers. Ayon sa asosasyon, ang mga regular workers ay 961,000, kung saan 70% ay mga non-Italians at 75% ay mga non Europeans at may humigit-kumulang 1na milyong undocumented na manggagawa sa sektor. (PGA)

Basahin din: Decreto Flussi sa domestic sector, isinusulong ng ASSINDATCOLF

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Bonus trasporto 2023, may go signal na!

Inflation rate sa Italya, bumaba sa 7.7%