Matapos maipadala ang aplikasyon para sa nulla osta al lavoro ng decreto flussi, ay susuriin ito ng Sportello Unico per l’Immigrazione (SUI), at posibleng hingin ng nabanggit na tanggapan ang mga sumusunod:
- paglalakip ng ilang dokumentasyon sa aplikasyon;
- pagbabago o pagdadagdag ng ilang datos sa aplikasyon, batay sa indikasyon ng Ispettorato Territoriale del Lavoro (ITL).
Sa mga kasong nabanggit, ang aplikante ay makakatanggap ng komunikasyon sa pamamagitan ng PEC sa email address na isinulat sa aplikasyon. Sa pagsagot sa SUI ay kailangang sundin ang instruction na nasasaad sa komunikasyon.
Sa unang kaso, ay kailangan mag-log in sa website ALI ng SUI upang malaman kung ano ang ilalakip na dokumentasyon.
Sa ikalawang nabanggit, ay kailangang mag-log in sa website ALI upang direktang baguhin o dagdagan ang mga datos na hinihingi.
Mga hakbang ng pagsusuri sa aplikasyon
ISTRUTTORIA – Ito ang pagsusuri ng economic at contractual requirements at ang pagsusuri ng kawalan ng criminal records
Ang competent Prefecture (batay sa lugar kung saan isinumite ng employer ang aplikasyon) bago mag-isyu ng nulla osta ay humihingi ng opinyon ng Direzione Provinciale del lavoro at ng Questura.
Ang Direzione Provinciale del lavoro ay responsable para sa pag-verify ng pagiging regular ng kontrata at ng employer na nagnanais na kumuha ng foreign worker, at nagbibigay ng negatibo o positibong opinyon.
Ang Questura, ay responsable naman sa pag-verify ng “hindi pagiging mapanganib” ng foreign worker.
Tandan na kahit ang employer ay sasailalim din sa mga pagsusuri at kontrol. Hindi lamang ang kanyang financial capacity kundi pati na rin ang kawalan ng anumang hatol sa krimen sa imigrasyon tulad ng iligal na imigrasyon o para sa pagpapa-trabaho ng mga hindi regular na dayuhan.
Matapos ang mga nabanggit na pagsusuri ay maglalabas ng opinyon ang Prefecture.
Notice of Rejection
Ang aplikasyon ay maaaring tanggihan o i-reject sa kasong negatibo ang resulta sa pagsusuri ng mga dokumentasyon, halimbawa para sa SUI ay kulang o hindi sapat ang mga inilakip na dokumento at datos o sa kasong negatibo ang opinyon ng Ispettorato Territoriale del Lavoro at/o ng Questura.
Sa ganitong mga kaso ang Sportello ay magpapadala ng komunikasyon sa email na isinulat ng aplikante sa aplikasyon, lakip ang preavviso di rigetto (art. 10 bis 241/90) kung saan nasasaad ang dahilan kung bakit posibleng rejected ang aplikasyon.
Mula sa araw na iyon, ang aplikante ay may palugit na 10 araw upang ilahad ang kanyang mga dahilan sa Administrasyon. Ito ay ipapadala sa pamamagitan ng parehong PEC kung saan natanggap ang preavviso.
Pagkatapos, sakaling tuluyang rejected ang aplikasyon ay matatanggap ang provvedimento definitivo di rigetto sa parehong paraan kung paano natanggap ang abiso.
Nulla osta al lavoro
Ang nulla osta al lavoro ay matatanggap naman sakaling positibo ang resulta sa pagsusuri ng aplikasyon. Sa ganitong kaso, ay makakatanggap ng komunikasyon sa email address na isinulat sa aplikasyon, katulad sa parehong paraan ng preavviso di rigetto at rigetto definitivo.
Sa komunikasyon ay nasasaad na ang nulla osta ay maaaring i-download sa website ALI.
Dapat tandaan na sa oras na matanggap ang nulla osta, ang online system ay ipapadala din ito sa Ministry of Foreign Affairs (MAECI) upang pahintulutan ang releasing ng entry visa sa worker.
Hindi sakop ng bahaging ito ang conversion ng mga permesso di soggiorno.
POEA Verification
Sa puntong ito, ang mga Pilipino ay may karagdagang proseso na dapat sundin. Ito ay ang verification at approval mula sa POEA.
Sa puntong ito, ang employer, o sa pamamagitan ng kanyang ‘delegato’ o authorized person ay sasailalim sa interview ng POLO sa Italya, sa pamamagitan ng Labor Attachè, para sa mga kinakailangang pagsusuri tulad ng employment agreement: kontrata, sahod at iba pa.
Ang worker naman, sa pamamagitan ng mga accredited agency ng POEA sa Pilipinas, ay ihahanda ang mga requirements bago ang deployment. Ang pagkakaroon ng mga accredited agency, ayon sa mga opisyal, ay mahalaga dahil ang mga ito ay nagsisilbing karagdagang proteksyon para sa kapakanan ng mga workers.
Pagkatapos, ay ang issuance ng POEA ng Overseas Employment Certificate, OEC o exit pass sa mga mangagawang sa unang pagkakataon ay lalabas ng bansang Pilipinas. Tandaan na ang prosesong ito ay batay sa gobyerno ng Pilipinas.
Appointment sa Prefecture
Matapos ang releasing ng entry visa, ang aplikante ay makakatanggap ng notification sa pamamagitan ng PEC sa email address na isinulat sa aplikasyon, Ito ay naglalaman ng komunikasyon na sumangguni sa website ALI para sa petsa ng appointment sa Prefettura.
Bukod dito, posible rin na pumili ang aplikante sa website ALI ng petsa at oras ng pagpunta sa Prefecture. (PGA)