Kabilang sa mga pagbabago ng Decreto Flussi ngayong taon ay ang hindi pagsasama sa quota o sa bilang ng mga workers na nag-training sa country of origin at ang conversion ng mga permesso di soggiorno per studio/formazione/tirocinio para sa lavoro.
Sa katunayan, itinalaga sa pamamagitan ng Decreto Legge 20/23 (artikulo 3, talata 2), na ang conversion ng mga permesso di soggiorno per motivi di studio/formazione, (na unang napapaloob sa decreto flussi 2023 at may bilang na 2,000 para sa lavoro subordinato at 370 para sa lavoro autonoo) ay maaari nang gawin kahit walang Decreto flussi. Noong una, ito ay nakalaan lamang sa mga nagtapos, at kumuha ng Master o PhD Degree sa Italya. Sa ngayon ito ay pinalawig na sa lahat ng mga mayroong permesso di soggiorno per motivo di studio/formazione.
Bukod dito, nasasaad din sa Decreto Legge 20/23 (artikulo 3, talata 1)na ang mga manggagawa na nakatapos ng training o formation courses sa country of origin, (na unang napapaloob sa decreto flussi 2023 at may bilang na 1,000) ay maaari na ring makapasok sa Italya kahit walang Decreto flussi.
Kaugnay nito, ang nakalaang bilang ng mga nabanggit sa kasalukuyang decreto flussi 2023, na may kabuuang bilang na 3,370, ay idinagdag sa bilang o quota para sa lavoro subordinato.
Samakatuwid, ay itinalaga na ng Ministry of Labor and Social Policies ang mga bilang o quota ng lavoro subordinato (seasonal at non-seasonla) at lavoro autonomo sa mga Ispettorati territoriali del lavoro sa national level, sa pamamagitan ng Note num. 1077 ng March 30, 2023.
- 27,105 – non-seasonal subordinate job (truck drivers, construction, tourism-hotel, mechanics, telecommunications, food, shipbuilding;
- 66 – Italian origin na residente sa Venezuela;
- 3,212 – conversion ng mga permesso di soggiorno per lavoro stagionale o lungo soggiornante UE sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato at autonomo;
- 20,802 – seasonal job (agricultural at hotel tourism sector), kung saan 302 ay nakalaan para sa multi-entry work permit;
- 22,000 – aplikasyon sa agricultural sector mula sa mga organisasyon/asosasyon ng mga employers.
Ang hakbang na ito ang magpapahintulot sa mga Sportelli Unici na magsimula sa pagsusuri ng mga aplikasyong natanggap batay sa chronological order. (PGA)