Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang Labor Decree 2023 noong nakaraang Mayo 1, sa okasyon ng Labor day. Ang bagong batas ay inilathala sa Offical Gazette noong May 4 at ito ay naglalaman ng mga mahahalagang pagbabago sa mundo ng trabaho kasama ang mga kumpanya, pamilya, manggagawa, unemployed at mga pensioners.
Narito ang ilan sa mahahalagang puntos na nilalaman ng Decreto Lavoro 2023
Babawasan ang buwis sa trabaho
Babawasan ang tax wedge o cuneo fiscale sa mga workers na tumatanggap ng medium-low salary. Ito ay napapaloob na sa DEF 2023 at kinumpirma ng Ministry of Economy and Finance. Ito ay tumutukoy sa 6% na kabawasan sa kontribusyon na dapat bayaran ng mga workers na may kita o sahod na mas mababa sa €35,000 at ng 7% para sa sinumang may kita na mas mababa sa €25,000 gross income. Ang bawas buwis na ito ay inaasahang magbibigay na higit na sahod sa busta paga ng mga workers, na may average na hanggang humigit-kumulang €100 para sa may mga pinakamababang sahod.
Goodbye Reddito di Cittadinanza (RDC), Hello Assegno di Inclusione (ADI)
Mula January 1, 2024 ay magkakaroon ng bagong ayuda na papalit sa Reddito di Cittadinanza ngunit ito ay para lamang sa mga hindi nakakapag-trabaho o ‘non occupabili’. Ito ay tumutukoy sa Assegno di Inclusione. Ang ADI ay hindi bababa sa €480 bawat buwan kung saan maaaring isama ang renta sa bahay na katumbas ng karagdagang €280 bawat buwan, hanggang sa maximum na € 3,360 bawat taon. Ito ay matatanggap para sa maximum na 18 buwan, at maaaring i-renew, para sa karagdagang 12 buwan.
Ito ay may mga partikular na requirements para sa mga dayuhan na may kaugnayan sa pagkamamamayan o permesso di soggiorno ng aplikante, sa panahon ng paninirahan sa Italya at sa mga kundisyong pinansyal ng pamilya – kung sa pamilya ay may pwd (menor de edad o higit 60 anyos).
Upang matanggap ang ADI, kinakailangan ang ISEE na hindi hihigit sa € 9360,00 bawat taon. Ang Gobyerno ay maglalaan ng budget para sa ADI na higit €5.6 milyon para sa taong 2024.
Strumento di Attivazione al Lavoro
Simula sa January 1, 2024, ay magkakaroon ng ayuda para sa mga taong maaaring trabaho na nasa matinding kahirapan. Ito ay ang Strumento di Attivazione al Lavoro (SDA) na nagbibigay ng karapatang makatanggap ng allowance ng €350. Ang mga tinatawag na ‘occupabili’ (mga taong nasa pagitan ng 18 at 59 anyos na may kakayahang magtrabaho) na kasama sa ‘programa ng GOL’, kabilang ang mga social projects at civil services.
Ang mga ‘occupabili’ ay dapat magsimula ng proseso ng paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng Employment Center. Ang pagtanggap sa benepisyo ay mawawala sakaling tanggihan ang alok na trabaho ngunit ang obligasyong tanggapin ito ay isinasaalang-alang ang distansya ng trabaho mula sa bahay, ang tagal at uri ng employment contract (permanente o pansamantala).
Digital platform para sa paghahanap ng trabaho
Nasasaad din sa decreto ang paglulunsad ng SISL, ang bagong Sistema Informativo per l’Inclusione Sociale e Lavorativa. Ito ay isang digital platform ng Ministry of Labor na may koneksyon sa mga Regioni at Centri per l’Impiego, at inilalagay nito online ang lahat ng data ng mga mahihirap at naghahanap ng trabaho.
Ang platform ay konektado din sa mga private labor agencies na nag-ooffer ng trabaho. Sa katunayan, ang bawat beneficiary ng ADI at SDA ay magkakaroon ng obligasyon na pumirma sa digital activation agreement at pagre-register sa SIISL. Sa madaling salita, ang platform at app ay siguradong makakatulong sa paghahanap ng trabaho ng mga beneficiaries.
Pensione di Cittadinanza, ibinabalik
Magiging mas malaki ang halaga ng ADI o assegno di inclusion para sa mga pamilyang may miyembro na higit sa 67 anyos at mga pamilyang may miyembrong may kapansanan. Ito ay aabot sa € 630. Samakatwid, ibinabalik ng 2023 Labor Decree ang pensione di cittadinanza.
Higit na pagsusuri sa bagong ADI at SDA
Upang mapahintulutan ang epektibong proseso ng pagsusuri sa mga posibleng dahilan na hahantong sa pagtatanggal ng ADI at SDA, pati na rin sa ibang uri ng paglabag sa batas ng trabaho at lipunan, nasasaad din sa dekreto ang higit na pagsusuri. Para sa layuning ito, ang mga tauhan ng National Labor Inspectorate ay magkakaroon ng access sa:
- sa lahat ng impormasyon at database na pinoproseso ng INPS;
- sa mga impormasyong ukol sa mga requirements at mga kundisyon para sa pag-access at pagpapanatili ng benepisyo.
Sa pamamagitan ng Dekreto ng mga Ministers of Labor at Social Policy, ay tutukuyin ang mga pamantayan at mga modalidad. Samantala, pinag-aaralan din ng Gobyerno ang paglulunsad ng tatlong taong plano upang labanan ang pagtanggap ng mga hindi kwalipikado sa ADI. Ito ay alinsunod sa mga probisyon ng National Plan against Undeclared Work.
Higit na parusa sa mga lalabag sa bagong regulasyon
Nasasaad din ang mas matitinding parusa para sa mga manloloko, pepeke sa mga requirements o dokumentsyon at sa mga lalabag sa bagong regulasyon, upang matanggap ang benepisyo.
Isang magandang halimbawa ay ang patuloy na pagtanggap ng benepisyo habang nagtatrabaho na hindi ito declared o ‘nero’.
- mula 2 hanggang 6 na taon para sa mga mali at pekeng deklarasyon;
- mula 1 hanggang 3 taon para sa kawalan ng komunikasyon ukol sa pagbabago sa kita o
mga ari-arian, kahit na nagmula sa mga hindi regular na trabaho, pati na rin ang iba pang impormasyon na may kaugnayan sa pagpapanatili ng benepisyo.
Assegno Unico Figli, tataas muli ang halaga
Nasasaad din sa dekreto ang karagdagang €30,00 sa assegno unico para sa mga anak na ulila at isang magulang lamang ang nagta-trabaho. Ito ay para sa mga pamilya na ang ISEE ay hindi lalampas sa €15,000.