in

Kalayaan 2023, sinumulan sa pagpupugay kay Dr. Jose Rizal

Ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma ay sinisimulan sa pagbibigay-pugay kay Dr. Jose Rizal bilang dakilang Pilipinong nagbuwis ng kanyang buhay upang makamit ang ating kalayaan.

Ang unang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan ng mga Pilipino sa Roma ay ginanap sa Piazzale Manila noong nakaraang June 4, 2023. Kasabay nito ay ginunita din ang ika-162 taon ng kaarawan ng ating mahal na bayani. 

Nagsimula ang selebrasyon sa paghahandog ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose P. Rizal bilang simbolo ng pagbibigay pugay para ating mga bayani na nagsipagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Sinundan ito ng taimtim na pagtataas ng ating watawat kasabay ng pag-awit ng Lupang Hinirang. 

Pinangunahan ito nina Philippine Ambassador-Designate to Italy, Nathaniel Imperial, Philippine Ambassador to the Holy See, Myla Grace Macahilig, Philippine Independence Day Association (PIDA)sa pangunguna ni President Mr. Luis Salle at Knights of Rizal (KOR).

Dumalo rin sa nasabing pagpupugay ang mga leader at kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon. Partikular, nagbigay ng mensahe sina: Sir Carlos Simbillo, KGOR KOR Area Commander for Italy; Sir Joselito Viray, KCR KOR Chapter commander Rome Chapter; Sir Salvatore Olivari della Moneda, KOR Frosinone; Mr. Pablo Alvarez President Confed Tuscany; Ms. Milagros Nabur, International Migrants School (IMS) Principal; Eagle Anthony Rainier Principe TFOE-PE Europe Region Governor; Sir Augusto C. Cruz KOR Deputy Area Commander at Ms. Pia Gonzalez-Abucay, EIC Ako ay Pilipino online Newspaper.

Mahalaga rin ang partesipasyon ng iba’t ibang civic at religious groups: Guardians Ex Military & Police Association (GEMPA), The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles), Kababaihang Rizal at Miracle of Salvation. 

Hindi rin nagpahuli ang mga kabataan sa natatanging okasyon. Mula sa mga Tagapagpakilala na sina Hana Ramos at Eros Castro, nakiisa din ang mga mag-aaral mula sa International Migrants School (IMS). 

Lubos ang naging pasasalamat ng lahat ng mga opisyales ng PIDA at mga kasamang nag-organisa ng makabuluhang pagtitipon. Sinundan ito ng isang Thanksgiving Mass sa Basilica di Sta. Pudenziana Roma. (PGA at kuha ni Stefano Romano)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Quattordicesima o 14th month pay, sino ang nakakatanggap? Paano ito kinakalkula? 

KALAYAAN, KINABUKASAN, KASAYSAYAN