Sa Italya, ang mga domestic workers o colf at mga badanti o caregivers ay may karapatan sa 26 na araw ng bakasyon o ‘ferie’ sa isang taon, anuman ang haba at uri ng kontrata at oras ng trabaho, tulad ng itinakda sa collective contract for domestic job.
Dahil dito, marami ang nagtatanong ano ang mangyayari sakaling ang domestic worker ay hindi magamit ang mga araw ng kanyang bakasyon. Ito ang tinatawag na ‘ferie non godute‘.
Paano binabayaran ang ferie non godute?
Karaniwang hindi maaaring bayaran ang ferie non godute. Gayunpaman, may ilang exemption tulad ng pagtatapos ng employment. Partikular, ang ferie non godute ay maaari at dapat na bayaran sa pagtatapos ng employment.
Kaugnay nito, nilinaw ng Inps sa isang Note message nito kung sa anong paraan maaaring bayaran ng employer ang kontribusyon ng ferie non godute.
Upang mapahintulutang bayaran ang kontribusyon ng mga araw ng bakasyon na hindi nagamit ng colf o caregiver, ay gumawa ng isang special function sa website ng ahensya, na nagpapahintulot din sa pagbabayad ng kontribusyon sakaling hindi matanggap ang abiso.
Paano kinakalkula ang ferie non godute sa domestic job?
Ang ferie non godute ay madaling kalkulahin dahil sapat na ang kalkulahin muna ang mga araw ng bakasyon sa isang taon at ibawas ang mga nagamit na.
Bilang alternatiba, upang matukoy ang araw ng ferie non godute ng mga colf na part-timer ay posibleng gawin ang sumusunod na kalkulasyon:
bilang ng mga oras na nagtrabaho sa isang linggo x 52 (bilang ng linggo sa isang taon) : 12 (buwan sa taon);
Ang makukuhang resulta ay ang kabuuang oras ng bakasyon sa isang taon
Mula sa lumabas na resulta ay ibawas ang mga oras na ibinakasyon na, upang makuha ang kabuuang oras ng ferie non godute.